VI. Ano Pa Nga Ang Pwedeng Trabaho ni Juan

Bukod sa pag-iinom at tourism, pwede syang mangisda.

Sang-ayon sa article na 5 Countries With The Largest Fish Yield nangunguna ang China sa dami ng huli ng isda, 58.8 million tons.

 The main factor makes abundant fish production is due to government policies which encourage massive fish cultivation which is supported by efficient technology.

Sang-ayon sa Statista.com ang Pilipinas ay may huli na 4.25 million tons lamang. Ano ba ang meron sa China na wala ang Pilipinas? Meron silang malaking kalupaan, kumpara sa Pilipinas na napapaligiran ng tubig, kaya mas marami silang huli na isda.🤣 Gets nyo?

Sang-ayon sa Wikipedia ang South China Sea ay may lawak na 3,500,000 square km (4.7 million kung lahat) samantalang ang Philippine Sea naman ay may lawak na 5,695,000 square km.

Sa balita ay di makapangisda si Juan dahil sa mahal ng gasolina. Di na sana nya kailangang lumayo pa para lamang makahuli ng maayos kung napangalagaan ang mas malawak na karagatan ni Juan kesa sa kalupaan na may lawak lamang na 300,000 square km. Di pa huli ang lahat kung sisimulan natin ang pagiging mangingisda ni Juan.

Merong 1.2 million tricycle drivers sa Pilipinas sang-ayon sa Inquirer article dated 2022. Meron namang 1.6 million ang nabibigyan ng trabaho ng pangingisda noong 2015 sang-ayon sa seafdec.org.

Kakalimutan na nga ba natin kung saan nagmula ang salitang barangay? Siguro nga pagod nang maglayag sa buhay na ito si Juan. Kaya siya pinagtatawanan na lamang ng mga nakakahuli ng isda, dahil ang ulam nya ay sardinas, at di mawari kung ano nga ba ang gagawin nya sa buhay. Matalino pa man din daw ang kumakain ng isda...na hindi sumuot sa lata.🤣 Aha, kaya siguro si Juan nabobobo kakakain nya ng paborito nyang adobo! Siguro nga kulang ako sa omega-3. Dios mio ayuda...este perdon pala!


The Philippines ranked 7th among the top fish producing countries in the world in 2012. However, since 2010, its economic contribution has been declining. - Philippine Statistics Authority

« Previous ChapterTable of Contents | Next Chapter »

Comments

Popular posts from this blog

Conclusion

Practical Thinking

Artificial Intelligence