VII. Pagkakaisa
Iisa ang hangarin sa iisang patutunguhan. Mas madali nga natin itong mararating. Mas maraming gagawa, mas marami tayong matatapos. Pero ano ang direksiyon at saan patutungo? Ito ba ay nakabatay sa katotohanan, kaya nga makatarungan?
A basta! Walang kokontra, malayo ang mararating natin! Sama-sama tayo sa ating pagkawasak.🤣 Basta walang kokontra, ok na yun. Gets nyo ba? Kung walang malinaw na target e di natin yan mabu-bullseye. At kahit may criticism pa kung ito naman ay para matamaan natin ang tamang target, e di pakinggan. Pero may kumontra! Gets nyo? Wala yan sa pagkontra o hindi. Kailangang basehan natin ang katotohanan upang magkaroon ng tunay na pagkakaisa.
Di naman issue ang kawalan ng pagkakaisa, kasi nga may mga anomalya. At kailangan nating alamin ang buong katotohanan ng anomalya upang mawala ang pagkakawatak-watak. A, ganoon pala ang tamang proseso upang mawala ang pagkakanya-kanya. Paminsan nanlilinlang ang oso na nakabihis tupa upang magkaisa tayo sa maling akala at di magkaisa sa katotohanan. Ang sintomas ay pagkakawatak-watak, ang sakit ay corruption, ang gamot ay transparency in public governance. Ang sintomas mo ay ubo, ang dahilan o sakit ay acid reflux, kaya ka iinom ng Lagundi? Mas pwede siguro ang Kremil-S, di ba!
Parang mas gusto ko ang punto ng pagkakaiba-iba. Ang magiging punto ay pagtutulungan sa gitna ng pagkakaiba-iba. Sa pamilya na tayo, basic unit of society, may masarap magluto, meron ding mekaniko, merong tamad mag-aral pero sa pag-aalaga ng mga kapatid at pagsasaayos at paglilinis ng bahay magaling. Nagkakatulungan kaya mahirap pabagsakin ang ganyang pamilya.
Sana, magkakaiba man tayo sa buong Pilipinas, tahakin pa rin natin ang landas ng katotohanan. Dahil ang katotohanan ko kailanman ay di magiging panira o hadlang sa katotohanan mo. Kung ang 1+1 mo ay =2 ang 3×3 ko naman ay =9. Magkaiba tayo pero sumunod pareho sa katotohanan ng science of mathematics. Kung ganyan ay walang magkakagulo sa Pilipinas kahit magkakaiba tayo ng diskarte sa buhay.
Comments
Post a Comment