VIII. Personal Na Buhay

Di ako mayaman, pero di naman ako gumagawa ng masama. May mabuti akong ginagawa kahit konti. Pero di ako santo, makasalanan ako, pero patuloy ako sa laban ng pagpapakabanal.

Eto ang sitwasyon natin sa Pilipinas. Paminsan, naiisip kong masama akong tao dahil di ko pa rin mapayaman ang sarili ko. Samantalang may nagsasabi na kahit corrupt ang mga opisyal ng gobyerno, basta magsumikap ka, ay ikaw ay yayaman. Pero di pa rin ako mayaman, kaya ako'y isang masamang tao. Mali ang logic, pero parang tama, na ang mayaman ay mabuting tao, at ang mahirap ay masamang tao. Nasasabihan din ang marami na magaling lang sa pagpuna sa gobyerno. Magkano ba ang proposed budget for 2023? 5 Trillion! Aba ay dapat lang palang bantayan at usisain ang paggamit nyang perang iyan! 

Lamangan system, hindi crab mentality, at hindi pagkakawatak-watak, ang sumisira sa pangarap ng bawat Pinoy. Ok din lang sana kung gagamitin sa kabutihan, mas masama kung sa luho lamang mapupunta. Justice is giving everyone his due. Di pa rin tayo lalayo sa pamilya. Simplehan lang natin. Kapag may cake na dumating mula sa kapit-bahay, dapat hatiin ito ng pare-pareho. Kung lima kayo dapat magkakasing-laki na limang hati ang gagawin. Yan ang normal. Alam naman ng isang kapatid, na iyon ang paborito ng kapatid nyang autistic. Kaya di nya kinuha ang kanya at ipinatabi na lang upang may makain pa kinabukasan ang kapatid nyang may kapansanan. May pagsang-ayon at kusang loob na pagbibigay ng share ang kailangan para mas makinabang ang mga mas nangangailangan.

Sa puntong ito ay kulang na ang karanasan ko at ang pheno at kailangan talaga ang pag-iisip. Basahin na lamang halimbawa ang link ng Business World na ito:

Income inequality, a social timebomb

Hawak ko ang buhay ko. Yumaman man ako o hindi, ako ang mananagot sa sarili ko. Pero ang ibang tao, na mahirap pa sa akin, ang iniisip ko rin. Di ko hawak ang pagyaman nila o hindi. Pwede akong tumulong sa konti kong makakayanan, o pwede akong mangarap ng mas mataas-taas ng konti pa para sa kanila. Magiging masaya nga ako kung maiibsan ang kanilang kahirapan. Dito na pumapasok kung bakit pakialamin ang mga Pinoy sa kung papaano gagamitin ang 5 Trillion. Ito ba ay mas makakapagbigay ginhawa ng kahit kaunti sa mga naghihirap nating mga kapitbahay, kapwa Pilipino. Kung oo ay game akong magbayad ng mas malaking tax with feelings.🤣

Wala nga sigurong masayang mayaman kung ang mga kapitbahay naman niya ay mahirap. Pero ang kabuluhan din ng buhay ng pagyaman ay mawawalan ng saysay kung wala tayong pakiramdam para sa ibang taong naghihirap. Mas mataas naman kung ang pagyaman na nasa isip mo ay ang pagyaman din na naturan na ng article link sa taas which is to make the distribution of wealth more equitable with the right policies of developing industries, enable mechanical and technological agriculture detailed therein.

For more info:  Poverty in the Philippines: Causes, Constraints, and Opportunities

Ewan ko wala akong alam sa politics. Marami naman nagsusulat sa Philippine Daily Inquirer sa opinion section. Magbasa na lang kayo, updated pa iyon kung ano na ang nangyayari nga sa Pilipinas.

Kung ipinanganak lang siguro akong Hapon, isa sana akong electronics and communications engineer. Pero di ko maiaalis ang katotohanang Pinoy ako at ang past and present state of affairs ay nakaapekto sa akin gustuhin ko man o hindi. At ang gusto mo ay gusto ko at gusto nating dalwa. Walang iba kundi matupad ang mga pangarap natin para sa mga bagong henerasyon ng mga Pilipino, na hindi natin naranasan.

« Previous ChapterTable of Contents | Next Chapter »

Comments

Popular posts from this blog

Conclusion

Practical Thinking

Artificial Intelligence