IX. Bakit May Heartaches?

Uunahan ko na kayo ha. Masakit ang heartache. 

Weh, di nga?🤣

Lintis naman, ang tanong ay bakit kasi meron.

Mas masakit pa iyan sa naputulan ng paa. 

Joke ba yan?🤣 Pakisagot na lang kasi yung tanong.

Sige, pero pakinggan nyo muna at pakisagot honestly ha. Yung kakilala ko kasi naputulan ng paa. Pagkatapos maputulan ay iniwan siya ng girlfriend nya.

(silence)

😭Oo na, agree na kami. Mas masakit ang iwan ka ng minamahal mo... Yun bang tanong ay sasagutin mo pa o...😠

Me heartache kasi may naghihiwalay...

Lintis namang sagot iyan.

Yung pagkakaputol ng paa, parte ng pagkatao mo ang nawala, ang kakayahan mong magtrabaho halimbawa, di lang yung physical feet. 

Ok, so parang mas masakit yun kesa sa heartache pala?😕

Pakinggan nyo muna ulit. Iniwan sya ng girlfriend nya kasi PBA player sya. 

Aaah...ok. Mas masakit nga ang heartache.😟 Di kaya nakadagdag lang yung heartache sa sakit ng pagkaputol ng paa? 

Tamo kayo, nasagot nyo na ng dalawang beses na mas masakit nga ang heartache ay, tapos magdududa pa kayo! Tapos mas gusto pa nyo ngayong pag-usapan ang sakit kesa sa sagot na paghihiwalay!

Dapat siguro di na lang nilikha ng Diyos ang heartache.

Akala ko ba ay gusto lang nyo ay sagot sa tanong kung bakit may heartache! Bakit parang affected kayo! Sabi ko na ay! Kaya inunahan ko na kayo ay. Walang ganyanan. Bahala kayo sa buhay nyo... Dyan na kayo... Mag emote kayo hanggat gusto nyo. (Kasi ako, ayaw kong me nakakakita sa akin na umiiyak.)😭 

(Me heartache kasi may hiwalayan. Pweh. Napakababaw na sagot. Pero napakasakit. Dapat kasi ang tanong ay bakit masakit ang heartache. Masakit ang heartache dahil may ache sa huli. Wahahaha🤣... Huhuhu😭. Buwiseeet.)

Ang tanong ko kasi ay bakit may heartache lang. Wag nyo na kasi sa akin itanong kung bakit masakit ang heartache... Waahh😭 Dyan na kayo!

Oi, wag ka umalis. Anu nangyari sa kanya?

« Previous ChapterTable of Contents | Next Chapter »

Comments

Popular posts from this blog

Conclusion

Practical Thinking

Artificial Intelligence