Saturday, April 5, 2025

God is a Mystery

 Kung nagawa ng phenomenology na ilapit sa atin ang buhay ng ating sariling pag-iisip at kalooban bilang isang katotohanang di naman dapat isa-isantabi bagkus ay maunawaan nga natin ang tamang lugar nito sa ating buhay--gayundin naman ang mystical theology ay isang direktang pagdaranas sa pakikipagrelasyon sa Diyos na lagpas sa kakayanan ng ating pag-iisip kung papaano ipaliliwanag, at bagaman meron ay kulang at kapos na paliwanag sa kung ano ang ibig sabihin ng salitang "Diyos."

Ganun nga ang mystical theology rin. Di dahil walang kabuluhan lahat ng paliwanag ng theology tungkol sa Dyos kundi gusto lang natin talagang maranasan ng direkta ang presensiya ng Diyos sa ating buhay.

Hindi nga kaya ang pagpephenomenology ay isang mas mataas pang pag-anyaya sa atin upang pati ang ating sariling mga karanasan ay ilagay din natin sa kategorya ng misteryo?


Nakayanan ko nga na itanong sa Diyos kung ano ang gusto nyang gawin ko sa buhay ko. Pero ngayon hindi ko na alam kung saan nanggaling iyong kakayahang iyon. Makasalanan nga ako at kulang pa ng purgasyon o paglilinis. Siguro ay nais lamang muna ng Diyos na maisulat ko ang karanasang iyon upang makumpleto ang gusto Nyang isulat ko. Yung dati kong katauhan na di kayang itanong, "Lord, ano po ang gusto nyong gawin ko?" ay bumalik na lamang ulit sa "Diyos ko ano po ang dapat kong gawin sa buhay ko?" Parang takot ako sa kung ano ang gusto ng Diyos para sa akin. Hindi ko kayang gawin dahil makasalanan ako! Pilitin ko man ay di ko magawang manatili sa kabanalan.

Siguro ay paminsan nga ay manatili tayo sa kawalan ng paliwanag tungkol sa ating sariling buhay, hindi naman upang mangapa sa dilim kundi dahil ang buhay na ito ay lagpas sa kakayanan nating ipaliwanag.

« Previous ChapterTable of Contents | Next Chapter »

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Table of Contents

Mag Phenomenology Tayo Intro: Phenomenology of My Choice I. Rosario: Paulit-ulit na Dasal II. Inflation III. God Will Provide IV. Covid-19 V...