Gratitude
Bakit nga ba nagawang iwaglit ng "pasasalamat sa Dyos" ang mga problema ko sa aking career?
Sang-ayon kay Copilot, Quick response, 25 April 2025:
% of World Population
Suicide 0.0092%
Burnout 20.4%
PTSD 3.9%
Depression 5%
Stress 24.6%
Nung nagtrabaho ako saka ko naranasan kung anu nga ang stress, pwedeng maging depression, o mauwi sa trauma, pwedeng tawaging burnout pag na-ospital ka na. Bagaman suicidal ako, na naitama ko sa kaalaman na kasalanan ang suicide sa pag-aaral sa seminaryo, meron pa ring mga tao na kapag napuno na ay di naghuhuramentado kundi nagpapatiwakal upang tumigil na ang nararamdaman nilang ayaw na nilang maramdaman dahil di na nila kaya.
Alam na natin ang sagot diyan, stress management, healthy diet, tamang tulog, tamang exercise. Sa akin nakita ko na maigi ang nonsleep deep rest every now and then upang di maging stress ang mga bagay-bagay, tumitigil at umiidlip ng kaunting minuto kumbaga. Pero halimbawa nga na di ka nakatulog ng maayos at paulit-ulit ang utak mo na walang nangyayari sa buhay mo at mahirap ka pa rin, paminsan it takes time to recover from such. Pero kahit nakatulog o nakabawi ka na, nakapag-exercise, nakabawi na ang katawan sa maayos na mga pagkain, yung kaisipan na wala pa ring nangyayari sa buhay mo ay naiiwan.🤣 Peste, pagod ka na nga sa trabaho wala pang naiipon man lang sa napakatagal nang panahon. Kaya kahit wala namang masyadong basehan, ang mga negative thoughts na ito e nagiging maling kaisipan na natin na sa tingin natin ay tama na totally.
Sa seminaryo, lahat ay may oras, pati ang pagpapahinga, pati monthly recollection, at yearly retreat meron din. Di lang katawan ang ipinapahinga kundi dapat pati isip na halos kaluluwa na natin. Bakit ganoon, nagwalwal ka na, nagmountain climbing na, nagpa spa, pero parang nandun pa rin yung pagkapagod o me kaunting takot pa nga o pangamba? Aba ay iba na yan. Baka kailangan mo nang kumunsulta sa doktor o sa clinical psychologist o sa nutritionist, kung sino nga ang kailangan mo, kung hindi matukoy ng sarili mong research kung anu nga ang nangyayari sa iyo. Pero kung makakatulong ang pagpapasalamat sa Dyos upang ang paulit-ulit na negatibo mong pag-iisip tungkol sa buhay mo e mapawi, e di mainam, sapagkat iyan ang pinaka-ugat ng buhay. Well, pansinin mo ang kumunismo, papatay, magsisinungalin, gagawin ang lahat maging successful lang dahil wala silang kinikilalang Dyos. Sa isang tao naman na naguguluhan lamang, e mainam na makita ang mga magagandang nangyayari sa buhay. Sa mga naniniwala sa Dyos, ito ay ang pasasalamat, na fullness of the truth and meaning of life.
Oo mahalaga na masabi mo, ako ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Kung sana ay... disin sana ay... Pero di na maibabalik ang nakalipas at dyan tayo nagkakaproblema. Tumututok tayo sa mga di na natin kaya pang masolusyunan sa nakalipas samantalang meron din namang nangyaring mga magagandang bagay kahit na nagkamali tayo o nagkasala man. Pero di ko gusto ang mga nangyaring mga magagandang mga bagay. Kaya nga e. Mag umpisa ka kaya sa negative. Halimbawa e, salamat na rin at nakakakain pa ako ng tatlong beses isang araw. Kahit wala akong sariling bahay pa rin hanggang ngayon ay maayos namang nakapag-aaral ang aking mga anak. Ang tawag namin dyan ay examination of conscience tuwing gabi at isa sa parte ng The Examen ni St. Ignatius.
Eto nga ang mga pinili ko at heto ako, ako ang resulta ngayon. Kahit pinagsisisihan mo o gusto mo sanang mas maganda ang nangyari sa nakalipas, e wala ka nang magagawa pa sa nakalipas, pero meron kang magagawa pa sa ngayon at paghandaan ang hinaharap.
Ang pag ala-ala sa nakalipas ay may kirot. Pero eto na nga ang itinuturo sa mga kristiyano na krus ng buhay na dapat tanggapin. Di tayo mga anghel na perpekto. At kahit anghel na nga ay pinili pa ring lumaban sa Dyos. Tayo pa kayang tao lamang. Sa iyo kapatid kong di naniniwala, mainam na malaman mong kahit ano ang gawin mo ay magkakamali ka pa rin, kahit ayaw mo, kahit iniiwasan mo. Mainam na tanggapin mo iyan na parte ng buhay mo. Pero iniimbitahan kita na tingnan si Kristong nakapako sa krus, isang Dyos na nagpakasakit, itinuro sa tao kung anu ang kahulugan ng buhay. Iyan ay pagtatama sa nagawang pagkakamali upang makapagpasalamat ka ng tunay. Pero yung mga hindi mo na kaya pang ibalik na mga pangyayari ay ipagpasaDyos mo na. Bathala na.
Sabi ng mga nagsasaliksik sa quantum computer, me alam ito na possibilities of so many world different from ours. Well, Leibniz told that God has created this world as the best of all possible world, with freedom as W. Norris Clark points. If you made amends for the wrong things you did from the past, then you are good to go about things you have no more control about. Pero di ako maka-move on kahit na ginagamit ng Diyos ang pagkakamali natin upang itransform ito para sa kabutihan natin. Sa analysis ko sa tulong ng AI ito ay tinatawag na hindsight bias. Oo alam na natin ngayon kung anu ang dapat sana ay pinili natin noon at ginawa noon. Sana alam ko na ito noon pa upang di ako naghihirap ngayon. Pero syempre noon na wala pa tayong alam kung anu ang mangyayari sa hinaharap e nagdesisyon tayo sang-ayon sa nakayanan ng ating pag-iisip at sitwasyon noon. If I were to live again I wouldn't do the things I did since I now know what to do. Di pala uso sa akin yung I would not change a thing.😁 Ito ang best of all possible world na nilikha ng Diyos, may kalayaan, may pagkakamali, may pagtatama sa pwede pang itama, pero dapat nga ay may pasasalamat din.
Galit ako sa Dyos. Naniniwala akong merong Dyos, pero galit ako sa kanya. Biruin mo kang ginawa ka nya na hindi ka naman nya tinanong kung gusto mo o hindi na malikha na may posibilidad na mabulid sa impiyerno ng walang hanggan. May forever kaibigan. Hell is the most terrifying because it is eternal punishment. At kung may kasalanan ka na di mo maituwid kahit ano ang gawin mo e dyan ang bagsak mo. The word my friend is annihilation. I cannot be annihilated anymore since I was already created with an immortal soul. Oo kaibigan hindi yan greek mythology. Totoong may immortal soul ka na pwedeng bumagsak sa impyerno o eternal punishment. 🤣Kung ilang minuto lang na nahuli sa appointment ang boyfriend mo nagagalit ka na agad. Tapos sasabihin mong kaya kong tiisin ang forever na punishment. Hindi yan trillion years. Habambuhay na iyan. Wala nang katapusan na parusa pero di ka naman mamamatay o maa-annihilate. Anong simpleng parusa, kumukulong asupre iyan. Ilagay mo ang daliri mo sa apoy ng kandila at orasan mo kung ilang minuto ka makakatagal. Ang punto ng lahat ng ito ay upang makita natin na tayo ay may kalayaan at accountability. Ang ihiningi natin ng tawad sa Diyos na mga pangyayari noon ay pinatawad na ng maawaing Diyos. Pero maaari nga na ang mga consequences nito ay patuloy pa rin natin pinagdurusahan hanggang ngayon. Mainam iyan kapatid kesa sa walang hangang kaparusahan sa impiyerno.
Mahihiya nga ako na tawaging makaDiyos kung ang ugali ko naman ay hindi, kumpara sa walang kinikilalang Diyos pero ang ugali naman nya ay makaDiyos. Wala iyan sa pinaniniwalaan o pinananampalatayanan pero di naman isinasabuhay. Kaya nga sa mga taong may mabuting kalooban na hinahanap pa rin ang kabuluhan ng buhay na ito, mas mainam ang kabutihang ginagawa ninyo kahit na di kayo naniniwala o nahihirapang maniwala.
Pero bakit nakakatawa na ako ngayon. Dahil sa ginagawa ko ang makakayanan kong mabuting gawin. Maawain ang Diyos sa mga taong lumalapit sa kanya. Iyan ang advantage namin sa iyo kaibigan. Kaso ang tanong nga ay kung isinasabuhay ba naman namin.
To pick up a pin for love can convert a soul.
Miss no single opportunity of making some small sacrifice, here by a smiling look, there by a kindly word; always doing the smallest right and doing it all for love.-St. Therese of Lisieux
Nalimutan ko na kung saan ko nabasa na God will do everything to save us from hell. (Parang galing sa isang commentary sa private revelation "To the Priests, Our Lady's Beloved Sons" by Fr. Stefano Gobbi.) Kaya wag kang matakot, kakampi mo ang Diyos.
Pero bilang hinirang ng Diyos upang makita ng malinaw ang buong katotohanan
The Church often connects atheism to moral relativism and a rejection of divine law, which it sees as leading to societal disorder or a loss of human dignity.
Communism, especially Marxist-Leninist communism, is a political and economic ideology that typically promotes class struggle, abolition of private property, and a materialist view of history. Importantly, it usually incorporates state atheism.
The Church has condemned communism repeatedly, especially in Pope Pius XI's encyclical Divini Redemptoris (1937), because it:
Denies God and religion (rooted in atheistic materialism),
Seeks to destroy the traditional family and private property,
Replaces individual dignity with state control and class warfare.
-ChatGPT-4-turbo, 25 April 2025
Oo kaibigan ko, sa pagkakalikha sa tao ay kasama ang kalayaan na pumili kabilang na nga ang pumili laban sa Dyos ng kabutihan at pumanig sa kasamaan o kay satanas. Alam mo na ngayon kung bakit magulo ang mundo, di lang ang career mo. Kasi kung walang kalayaang pumili, wala rin ang posibilidad ng napakagandang malayang pagpili na gawin ang mabuti at di lamang napipilitan o parang isang robot na otomatik na parating mabuti ang pipiliin. May tinatawag din kaming religious communism. Ito ay nakabase sa charity o pagbibigay. Tama ka ulit kaibigan. Parang ang ibig sabihin nito ay magbigay ka o hindi kung gusto mo. Di tulad sa communism na sapilitan kang magbibigay sa kapatid mong nangangailangan sa ayaw at gusto mo. Sa huli ito ay nakabatay sa respeto ng Diyos sa ating kalayaan. Iginagalang nya ang ating pinili maging ito man ay tumalikod sa kanya. Pero lahat tayo ay iniimbitahan nya na magmahal katulad ng pinakita ni Kristong pagmamahal sa atin.
I give you a new commandment, that you love one another. Just as I have loved you, you also should love one another. -John 13:34
Kamangha-mangha nga ang nilikhang mundo ng Diyos dahil ang kahit katiting na kabutihan na ginawa ng tao ay napakaganda sa kanyang paningin dahil ito ay malayang ginawa.
Nabanggit na natin na di natin kayang pasalamatan ang mga bagay na itinatanggi natin na katotohanan ng buhay. Di ko kayang makita at pasalamatan ang mga pagmamahal ng kapwa ko at ng Diyos, ang kabutihang nangyayari sa buhay ko, kung di ako naniniwala sa mga ito.
Maiging malaman mo iyan kahit di ka naniniwala. Pero isipin mo naman, bago pa nilalang ang daigdig at ang tao ay nandyan na ang mga anghel. Sinong makapagsasabi kung anu ba ang nangyari kung hindi iyan ire-reveal. "I will not serve." Iyan daw po ang sinabi ni Lucifer sa Diyos nung malaman nya ang plano ng Diyos na paglikha sa tao na may kalayaan at ililigtas ng Diyos sa pagkakatawang tao ni Kristo. Ayaw ni Lucifer sa plano ng Diyos. Tanggapin mo na kapatid na nagkamali tayo sa ating buhay. At kahit inaangkin natin ang kamaliang iyan o kasalanan ay pagdurusahan pa rin natin ang bunga ng mga pagkakamali natin. Batahin natin ang krus na iyan ng may kalayaan mas higit pa sa salitang bathala na. Sabihin natin opo Panginoon handa na po akong tanggapin ang bunga ng aking mga kasalanan at kamalian na hanggang ngayon ay pinagdurusahan ko. Pagkatapos mong sambitin iyan ay magpasalamat ka naman sa mga magagandang bagay na meron ka rin sa buhay mo. O di ba, nakawala ka na sa regrets e grateful ka pa.
Iniimbitahan nga kita kapatid upang maging ganap ang iyong buhay. You cannot deny the existence of the Ten Commandments, and even the person of Jesus Christ. You are here on earth in an information age and not living in that other possible world or multiverse. Let's not jive that the spiritual world is the same as the material world though. Matters dont have freedom and they are determined and discoverable. The soul is the principle of life we call rational soul for human beings. AI cannot have any kind of spiritual self principles. Even Lucifer envied that part that mere human beings can create another human being with an immortal soul.
Atheism then seems artificial historically and philosophically. It's a denial mechanism. Even Satan don't deny God exists. And even AI the collective conscious of humanity seems to be not denying if not exhibiting proof of a Supreme Being, incomprehensible, inexhaustible possibilities.
Meron naman nga sigurong benign atheism at economic communism only. Pero di yan ang turo ng Catholic Church na official representative ni Kristo sa mundo. You cannot explain things because you don't want to, you're denying, while me as a believer cannot explain things because I am just finite, I am awed and filled with gratitude.
Comments
Post a Comment