Proportionalism, Consequentialism, and Some History of My Choices
I don't know the future. Kung alam ko lang di na ko pumasok muna ng seminaryo. Nag-aral muna sana ako ng kahit anong engineering degree sa State University dito sa min para naman nakatapos ako at nagkaroon ng trabahong gusto ko.
Kargado iyan ng emosyon. At hindi ko nais na paigtingin pa ang taon-taon mo na lang itinanong sa Dyos kung bakit nangyari iyan sa buhay mo. Medyo nais kong wag mong masyadong damdamin ang mga bagay-bagay kung iyan ang pamamaraan mo ng pagpephenomenology. Alalahanin natin na bracketing ang unang tools ng phenomenology di dramatizing.😆
Ang tawag daw dyan ay hindsight. Hindi mo malalaman kung ano ang mabuti noon pero alam mo na ngayong matanda ka na. Kung alam ko lang. Masakit maging tao at makita mo ang kalunos-lunos mong sitwasyon at sitwasyon din ng mga taong nakapaligid sa iyo na sa tingin mo ay mas masahol pa ang sitwasyon sa iyo. Sabi pa sa amin sa seminaryo na kasalanan ang maniwala sa reincarnation dahil may isang pagkakataon ka lang upang mabuhay sa mundo upang seryosohin mo ito. Bagaman ganyan ang sitwasyon natin, e maawain at mapagpatawad naman ang Diyos natin. Nga laang ay kahit anong gawin ko ay patuloy pa rin akong binabangungot ng mga mali kong pagpili at panghihinayang na di na maibabalik pa.
So, let's phenomenologize. Totoo ba? Hindi! Drama lang iyan. Dahil ang lupa ay di langit. Ang pagpapakatao ay malayang pagbuhat sa krus ng buhay natin. Puwede ngang sisihin ang Dyos dahil nilikha niya ang imperpektong daigdig na ito. Puwede ring sisihin ang sarili, ang iba. Puwede rin sigurung di manisi at matagpuan nga natin ang ikapapayapa ng ating kalooban. Kung ipipilit mo na dapat perpekto ang lahat ng nangyari, ay hindi nga puwede kasi nasa fallen world tayo. Mas gagaan nga ang krus kung bubuhatin ito at di na daragdagan pa ng pagrereklamo. Sa mathematics ay ganun, tatanggapin mo na ang 1+1 ay 2 at ang mga dahilan nito kung bakit ganun nga. Kung ipagpipilitan mo na 1+1 ay 3 sa palagay ko iyan ay isang pagrerebelde sa katotohanan ng buhay. Hindi natin role ang maging Diyos na nagtakda ng mga bagay-bagay. Alalahanin natin na tayo ay nag-subscribe sa katotohanan na ang konsepto ng Diyos ay isang nilalang na perpekto at di pwedeng magkamali. Kung di gayon ay di natin siya matatawag na Diyos. Tiwala ang kailangan. Jesus, I trust in you. Iyan ang tatak ng mga istampita na ipinamimigay noong World War II sa mga nagtatakbuhang mga tao na di na alam kung anu nga ba ang mundong ito, para saan ba ang buhay nila.
Ang pagkakamali sa nakaraan ay parte ng pagiging tao. Tanggapin na natin iyan.
Ang proportionalism at consequentialism ay mga konsepto na alam natin ang mangyayari sa hinaharap. Mali na kaagad. Maaaring alam natin ng kaunti. Pero di lahat. Ang sabi ni Pope John Paul II, ang mahalaga ay ang gusto nating gawin di ang malaman ang hinaharap. Kung ang nais mong gawin ay mabuti (not intrinsic evil) e di ok na iyon. Valid ang gusto mong gawin kung ito ay mabuti nga maging anu pa man ang mangyari sa hinaharap.
Ang gusto ko talaga ay kumita na ako ng pera upang makapag-asawa na ako ng maayos.
May tatlong uri ng kundisyon upang ang isang gawain ay maging mabuti. Dapat mabuti ang tatlo, object, intention, at circumstances. Mabuti ang object, kumita ng pera. Di intrinsically evil ang pagkita ng pera. Ang halimbawa ng intrinsic evil ay abortion na kahit ang intention mo ay mabuti at sagipin ang buhay ng ina, ang abortion ay mananatiling isang intrinsically evil act. Ang intensiyon ko ay upang makapag-asawa na. Wala ring mali sa pag-aasawa. So circumstances na lang o what, where, when, who, and how ng ating gusto o piniling gawin.
Paano kikita ng pera. Sa mabuting paraan syempre. Dapat ang circumstances ay mabuti pa rin. Mabuti na ang mamulot ng basura kung iyon lang ang alam mong paraan upang kumita kesa sa magnakaw. Ang pamumulot ng basura upang kumita ay mabuti na kahit piso lang ang kikitain mo o PhP150 man. Mababawasan o madaragdagan nga ang kabutihan ng pamumulot ng basura, pero ang mga circumstances ay di na mababago pa ang natura ng objective good. Ganun din ang objective evil or intrinsically evil katulad ng pagnanakaw. Ang pagnanakaw sa mahirap ay mas mabigat ang kasamaan kesa sa kung ikaw ay nagnakaw sa isang mayaman, pero di na nito mababago ang pagiging objectively evil act ng pagnanakaw.
Let's phenomenologize again. Kumikita naman ako kahit di ako isang engineer. At di ko rin masasabi na ayaw ko ng trabaho ko ngayon kahit di ko ito dati gusto. E bakit di ka pa makapag-asawa? Dahil kulang ang pambili ko ng sariling bahay at lupa. Kulang kung magkakaanak na kami. Mauubos ang ipon ko sa pagpapakasal pa lang o catering, abay, venue, invitations, preparations, etc.😆 At lilipat ng lugar kung saan wala duon ang pinagkakakitaan ko. In short magsisimula akong muli. Paminsan di na iyan kaya ng paghihimay ng phenomenology. Maaari ngang ang ating utak ay isang quantum-computerlike entity na simpleng alam sa isang tingin kung ano ang tama at mali gaano pa man kakalyuhin ang konsiyensiya nito. Mag-quantumlike nga tayo sa pag-phenomenologize... dotdororot dotdot... Dapat stable na ang trabaho mo bago ka mag-asawa. Kung lilipat ka man sa lugar ng babae e dapat simulan mo na muna kahit sa maliit na paraan ang paglipat at pagtatrabaho doon o paghahanapbuhay doon bago mo simulan ang pag-aasawa. Biglaang pag-iisip iyan na di na kailangang isa-isahin pa ang who, where, when, what, and how ng isang bagay.
Sang-ayon kay St. Thomas, "Seek truth wherever it can be found." Kaya nga pag natagpuan na natin ito ay wag na natin itong bitiwan. Estimated na ng quantum mind ko na sa mahal ng mga bilihin ngayon tapos wala naman akong sariling bukid o di ako marunong magtanim, e di ako uubra sa pag-aasawa sa panahon ngayon. Pero kung asawang-asawa ka na talaga e siguraduhin mo lang ang nasa taas na katotohanan na natagpuan mo at tataas ang tsansa ng ikabubuti ng pag-aasawa mo. Kung may pagkakataon ka pang isaayos ang mas maraming bagay bago mag-asawa e bakit hindi, di ba? Ang pagpapakabuti ay walang limitasyon. Sky is the limit. Pero nabanggit na natin na may lower limit ang morality. Hindi ka dapat gumawa ng masama. Ang nais mo namang pasimulan na pagkita ng pera upang makapag-asawa na ay wala akong nakikitang mali. At pwede mo na itong pasimulan dahil ito ay mabuti. Pero maaari kang sumabit sa circumstantial goodness na requirement upang ang iyong ninanais na mabuti ay totoong maging mabuti. At ang mabuti na sanang object/intention na pagkita mo ng pera upang makapag-asawa na ay magiging masama dahil bumagsak ka sa circumstantial goodness.
Walang ibang solusyon kundi ang magcontrol sa sarili kung talagang di kakayanin pati ng kahit anong klase pang economics ang gawin.😅 Iyan ay dapat tanggapin na katotohanan ng ating sitwasyon, na ang 1+1 ay 2. Na kahit statistics ay nauunawaan, na nasa tugatog na tayo ng human population katulad ng ating nabanggit na, of 10 billion people and then the meter of human population will actually halt since its birth less death meter. We are now in an age of improvisation like cheaper housing, food, and transportation, lesser pollution to stabilize a healthy and stable economy.
Kailangan pa bang malaman ang hinaharap para maunawaan mo iyang katotohanan na iyan? Halimbawa kahit malaman mo na sa 2050 ay mamumuhay na lang ang mga tao sa isang malaking mega city kung saan libre ang bahay, tubig, kuryente, at transportation ay dapat ganun pa rin ang panuntunan mo bago mag-asawa ngayong 2025 dahil ang sitwasyon o circumstances ay di pa naman 2050.
St. Joseph teach us chastity to control ourselves not to enter marriages we will regret, and help us be more industrious to be worthily called good provider like you did to Jesus and Mary. Amen.
Comments
Post a Comment