Intro: Phenomenology of My Choice

Saan ako magsisimula? Anong gagamitin ko sa pagsusulat, English o Tagalog? Bathala na!

Pagpili ng ano ba ang tatalakayin ko? Oo, gusto kong simulan ang discovery ng phenomenology, kung meron nga ba itong maitutulong sa kawalan ko ng desisyon sa buhay. Meron naman siguro akong desisyon sa buhay, maaaring mga palpak lang siguro, ewan ko, di ko alam.

Makasalanan ako, tapos na po. Yan po sigurado ang lalabas sa tawas. Pero maliliwanagan pa ba ng pheno ang madilim kong buhay? Maaaring hindi na, kasi alam ko na rin naman ang kahahantungan. E ano pa ang saysay nitong sinisimulan ko?

Sige, limitahan natin sa pagpili ng trabaho o sa career development. As in me career ba ako in the first place?

Sinubukan ko nang isa-isahin ang mga na-achieve ko, pero wala rin. Kung ano ang mga palpak ko, pero lalu lamang akong nadidiin sa kawalan ng pag-asa.

Eto na nga, pinili ko na nga na magsulat. Na naman!

Sang-ayon kay late Pope John Paul II, mainam ang pheno upang mas maliwanagan ng ating personal na karanasan ang mga kaalaman at mga katotohanang alam na natin. Ano ka mo?

Medyo naisa-isantabi kasi nga naman ito ng mga pilosopo. Kung sa karanasan lang ay alam na alam na natin yan. Anu pa nga ba ang dapat alamin tungkol sa rito?

Ang isa sa paborito kong bunga ng pagmumuni-muni ng pheno ay ang salitang being-for-others. Ang tao daw ay mga nilalang na nilikha para sa iba. Sa paghalukay ng napakaraming karanasan ng tao, na-realize ng mga pheno na nagiging ganap lang ang ating pagkatao kung tayo ay umiiral para sa iba. Sino ang hindi maghahangad na pawiin ang paghihirap ng iba kung may kakayanan ka naman na gawin iyon? Nandoon ang tunay na kaligayahan at kahulugan kung para saan nga ba ang buhay na meron ang bawat isa sa atin.

Pero bakit ako magsusulat? Upang ipauso ang pheno na may pagkiling sa Thomism?

Siguro, pero para maranasan ko rin kung meron nga itong mai-aambag sa pagkalutas ng padami nang padami at patung- patong ko nang problema. Wag kayong mag-alala, di naman ako selfish at puro tungkol sa akin na lang ang maririnig nyo, at di naman irerekomenda ni late Pope John Paul II na ngayon ay isang nang santo, na mainam ang Thomism na gagamitan ng pheno. If Thomism can explain things, then pheno can further describe it to us.

Bahala na kayo sa buhay nyo. Basahin nyo suggested reading ko o hindi. Mahirap intindihin para sa mga walang background sa philosophy, pero malay ko ba! E kung genius pala kayo? E di nasisi pa ninyo ako na hindi ko ibinigay itong link na ito: Was John Paul II a Thomist or a Phenomenologist? 

Tapos na ang career ko sa pagsusulat pag sumakit na ang ulo nyo.🤣

Ginamit din ni St. John Paul II ang phenomenology upang ianalyze at mas iwasto ang isinusulong na phenomenology na hindi na tumitingin sa katotohanan ng reyalidad. Bagkus sa huli ay kailangan kong bumalik kay St. Thomas Aquinas bilang panawagan nya. Iyan ang malupit sa Thomistic phenomenology. Madali lang ang phenomenological method pero ang Thomism? Maaaring matulungan ka nitong What is Aquinas 101? ng mga Dominicans upang maunawaan si St. Thomas Aquinas. Learn it not just intellectually but like a spiritual reading which according to St. Alphonsus De Liguori should be like a bee sipping all of a flowers nectar before going to another one.

I'm struggling because there is no clear way how St. John Paul II did his phenomenologizing. If there is, then we would not be struggling here anymore.

Thus from my barok phenomenology or trying to use bracketing, I ended up using my reasoning ability again in the discipline of Thomism. So expect not that my phenomenologizing is perfect like how St. John Paul II does it. I started trying to do it, but ended up not doing it anymore since my lived experiences are traumatic and phobic and surrenders after facing the end of human limitation or limit of any science including phenomenology. Phenomenology was used though by St. John Paul II to analyze our lived experiences, point to its correct interpretation, and thus avoid interpreting consiousness as imprisoned in its own world.

« Previous Chapter | Table of Contents | Next Chapter »

Comments

Popular posts from this blog

Conclusion

Practical Thinking

Artificial Intelligence