I. Rosario: Paulit-ulit na Dasal

Walang prayer sa pasimula ng sinusulat kong ito pero pwede kayong mag-Rosaryo na lang.

Bakit paulit-ulit?

Bakit nga ba paulit-ulit ang mga humihingi sa iyo ng tulong? Kasi nga nangangailangan pa rin sila ng tulong. Kung nakapag-aral lamang sana sila. Kung di sana sila naaksidente. Meron pa sana silang negosyo kaso naubos sa pagkakasakit lahat ng ari-arian nila, namatay sa huli ang katuwang sa buhay, at naiwan lahat sa kanya ang mga maliliit pa nilang mga anak. Naghihirap din ang kanilang mga kamag-anak.

A, oo, wala tayo sa paraiso, marurupok tayong mga nilalang. Ang tawag ay fallen nature. Kaya tayo paulit-ulit na nagdarasal. Ulitin mo nga ng sampung beses ang "Diyos ko, tulungan mo po ako!" Naramdaman mo ba na paigting ng paigting habang inuulit-ulit mo? Parang lalung bumibigat ang damdamin o nagkakaroon ng personal na epekto ito sa iyo. Samantalang ang sabi ko lang e ulitin mo ng sampung beses. Ewan. Misteryoso pa rin ang Rosaryo.

Pwede namang mag-spontaneous prayer na lang. Walang masama. Pero iba pa rin kapag kumakatok ka paulit-ulit sa isang pinto sa kalagitnaan ng gabi, "Tulungan nyo po ako! Papasukin nyo po ako! Maawa po kayo sa akin! Saklolo!" Paulit-ulit hanggat di nagbubukas ang pinto. Hanggat may oras pa at wala pa ang mga gustong pumatay sa iyo. Nakakapagod yata iyon a! Syempre hindi naman tayo parating problemado kapag nagdarasal. Pwedeng paulit-ulit na pasasalamat. 

"Naku, salamat talaga, tatanawin ko itong malaking utang ng loob!"

"Ano ka ba kanina ka pa nagpapasalamat. Sinabi nang wala iyon e! Basta pag nagkameron ka na saka mo na lang ako bayaran."

Mas magaling yatang magdasal yung taong gipit na gipit. Wala namang kinikilingan ang Diyos. Pero bumaba nga si Kristo para iligtas ang mga makasalanan.

At katulad ng sinabi sa amin ng aming obispo pwede tayong umiyak sa Mahal na Ina, "Inay!" Ulitin mo, hanggang sa lumuwag na ang loob mo. Nandyan lang ang ating Mahal na Ina. Syempre lalaki kasi ang pagkakareveal ni Lord Jesus, at ni God the Father. Kung prefered mong magdasal sa babae, nandyan ang ating Nanay Maria.

Santa Maria, Ina ng Dyos, ipanalangin mo po kaming mga makasalanan, ngayon, at kung kami'y mamamatay. Amen.

« Previous Chapter | Table of Contents | Next Chapter »

Comments

Popular posts from this blog

Conclusion

Practical Thinking

Artificial Intelligence