IV. Covid-19
E kung ganoon, bakit di pa itigil ng Dyos ang giyera sa Ukraine? Bakit pinapahirapan pa niya tayo?
Tumpak, pinaparusahan tayo ng Dyos. Kaso, baka wala na tayong pakialam kasi di naman sa atin nag-gigiyera. Pero may epekto pa rin. At sapat na iyon upang makiisa tayo sa pagdarasal na itigil na ang giyera.
Nakakapaisip din kung bakit ang Spanish flu at ang Covid-19 ay isinabay ng Diyos sa giyera. Nagkakasakit ang bata sa sobrang kalikutan nito o kapag sari-sari na ang ginagawa nito. Sari-sari na ang ginagawa ng tao, magulo, kaya nagkakaroon ng gulo o giyera. Dapat bang paluin sa puwet? Paminsan kailangan na hayaan ng magulang ang isang bata upang makita nito ang kakalabasan ng mali nitong ginagawa. At kapag nasaktan na ang bata sa mali nitong ginagawa, di na kailangan pang paluin sa puwet kundi pangaralan na lamang kung ano nga ba ang mangyayari kapag ginawa ang isang maling bagay.
Of course, maraming mga conspiracy theories. Isa sa theory ko ay nasa isip siguro ng Dyos na tutal e papatayin din lang naman ninyo ang isat-isa, patayin ko na rin kayo sa pamamagitan ng sakit, para bawas ang sasali pa sa giyera. Namatay din, pero nabawasan ang nag-giyera. Ang pagiging magulo ba at pagkakasakit ay cause and effect? Ang pagiging maayos ba at ang kalusugan ay correlated? Kung ganoon ay di ang Dyos ang nagsimula ng sakit at giyera kundi ang mga tao. Tao ang nagpaparusa sa kapwa niya tao.
Wag ganun. Sinisisi kaagad natin ay Dyos. Dahil malayó na tayo sa Diyos, sari-sari na lang ang naaaninag natin tungkol sa kanya. Dahil sari-sari na rin lang ang gusto nating gawin, ayaw na nating makita ang Dyos ng Kabutihan.
Maaari mong isipin, "Dyos ng Kabutihan, pweh!"
Dapat na ba ulit tayong tumingin sa kanya upang makita natin ang tunay nyang anyo, at di natin isisi ang sari-sari na lamang sa kanya? Kapag ba minahal natin ang kapwa tao natin e gigiyerahin pa ba natin sila? Kapag ba pinahalagahan natin ang sangnilikha, nilinis, iningatan ito, ay makikinabang tayo sa malinis nitong hangin? O e di ikaw na rin ang sumagot sa tanong mo, na ang pagiging makaDiyos ay makatao rin na malamang ay makakalikasan din.
Although wala pang direct evidence linking climate change with covid-19, pinag-aaralan na rin. Iyan ang karanasan natin e, sabay ang swine flu, bird flu, at covid-19. Wala daw kaugnayan pero magkakasabay nagpahirap sa buhay nating mga Pinoy. Lahat kagagawan ng tao at lahat ay may matututunan tayo kung papaanong itatama ang mga maling sistema upang maiwasan ang mga pandemic.
Comments
Post a Comment