III. God Will Provide
Totoo naman, buhay pa ako. Ano ang halaga ng isang milyong piso ko kung dina-dialysis na ako. Kung may maayos akong sariling bahay na may bakuran at konting pananim, kahit wala pa akong 100,000 pesos na savings sa bangko, pero meron akong konting pinagkakakitaan o suweldo na 10,000 pesos monthly, puwede na. Basta nakakakain pa, at malusog naman ang pamilya, at sabi nila may bubong sa ulo, wala pala akong dapat ipangamba. Lahat daw ng iyan ay biyaya pa rin ng Dyos. Mas higit pa nga, sabi ng isang santo "All is grace."
Dapat pa nga pala akong mag-abot sa iba ng kahit konti kong makakayanan dahil busog ako at walang sakit kahit negative na ang maliit kong tindahan. Ipagdasal ang Ukraine dahil magagawa ko pang sumimba. Sa kanila, sira na ang mga simbahan, paaralan, palengke, mga bahay. Walang makapagtanim din ng mapayapa dahil kahit anong oras ay pwedeng tamaan ng missile ang lupa mong tinaniman. Di ka pwedeng magreklamo sa tangkeng sumagasa sa mga kamote mo kundi ay babarilin ka nila. Walang magawa ang gobyerno kundi lumaban. Walang batas na umiiral ng maayos kapag sinusugod ka ng kalaban. Bakit di ako magdarasal para sa kanila? Tama na muna ang sobrang Clash of Clans. Ipagdasal na muna natin sila. Merong real war, itigil na muna ang virtual war games. Mag-ayuno kaya tayo?
God will not provide more anymore for now. Kahit ako'y mahirap, meron pa rin daw akong maibibigay. Sabi ng PCP II, "No one is so poor that he cannot give, and no one is so rich that he cannot receive." Baka luho na ang inaasahan ko sa Dyos, e ang hinihingi muna nya sa akin sa ngayon ay konting pagtitiis at pagdarasal!
God will provide, kaya dapat akong magbigay din sa iba sa anumang paraang kaya ko. From EWTN:
The traditional enumeration of the corporal works of mercy is as follows:
To feed the hungry; To give drink to the thirsty; To clothe the naked; To harbour the harbourless; To visit the sick; To ransom the captive; To bury the dead.
The spiritual works of mercy are:
To instruct the ignorant; To counsel the doubtful; To admonish sinners; To bear wrongs patiently; To forgive offences willingly; To comfort the afflicted; To pray for the living and the dead.
In short, marami tayong magagawa para sa iba. Kapag pinagdasal natin ang kapayapaan ng Ukraine maaaring bumaba ang inflation at maibibili na ulit ni Lola ang kanyang inabandonang apo ng Bear Brand Swak upang makabawi ito sa malnutrisyon. 😢
Wag nyong ismolin ang magagawa nyong mabuti para sa iba. Ito nga ay malayo ang nararating. Besides, dito tayo nakakakuha ng sense of meaning, na ang buhay na ito ay may kabuluhan nga. Kay sarap tumulong sa kapwa kahit sa maliit na paraan. Talo ang shabu at antidepressants.
Comments
Post a Comment