XIII. Pagsasakripisyo
May mga dati akong girlfriend (take note di po naging kami😠o naging kami, ewan, imagination ko lang yata😂) na nasa ibang bansa pa rin hanggang sa ngayon. Yung iba dun na nag-asawa. Para sa pamilya. Hanggat mas malaki ang palitan ng PhP sa USD, marami pa ring mga Pinoy ang iyon lang ang kayang gawin, ang igrab ang economic opportunity na likha ng imbalance. Dasal ko at pag-asa ang katiwasayan, kapayapaan, at kaligayahan ng buhay para sa kanila. Sadya lang talo ako ng pulis at dollars pagdating sa panliligaw🥺🤣 Ako na ang umiiwas kapag naghahanap na ng yaman ang nililigawan ko. Pano ba naman, ang una kong panliligaw ay napakasakit dahil yaman ang hanap ng aking niligawan.😂 Kaya isinumpa ko sa sarili kong di ako manliligaw muli kung di pa ako mayaman. E hanggang ngayon ay di pa rin ako mayaman! Yan ang naging problema--ang aking sexual instinct na ayaw nang paawat.😅
So, anu na ang dapat kong gawin?
Ewan ko rin. Instead na electronics engineer ako na may PhP200,000 per month na kita, ako ay isang tubero na may less than PhP10,000 na kita. Me magagawa pa ba ako? Sa edad kong ito na kalibre e sabi ng kakilala ko ay wala na akong magagawa. I'll be counting stars instead of dollars na lang siguro. Pero ang paborito ng Pinoy na kasabihan ay habang may buhay ay may pag-asa, me awa ang Diyos. Ang maliit mong kabutihang nagagawa, pansarili man ito o para sa iba (dahil di naman ito masasabing mabuti talaga kung selfish) ay malayo nga ang mararating. Oo, wala tayong control sa mga desisyon ng mga politiko na binoto natin o hindi. Pero sila pa rin ang nakakaapekto sa mas maraming Pinoy, mabuti man o masama. At apektado ka, tayong lahat, ang bawat desisyon na gagawin nila, gustuhin mo man o hindi.
Hindi nga raw ineexpect ni Lord na makagawa tayo ng perpekto sa imperfect world na ito. Nga laang ay iniintay ng Panginoon kung anung kabutihan, kahit imperpekto, ang magagawa mo. Kahit nga raw ito'y punit-punit na kabutihan, at least ang mahalaga, ay ginawa mo pa rin ito, sang-ayon sa The Way of the Lord Jesus Chap.2 Ques.E #5 e-f
...No situation in this fallen world is perfect, and there are constant temptations to indulge in an idealism which weakens faithfulness. The remedy is to remember that God calls one to do only what one can, by oneself and in cooperation with others. He does not expect one to accomplish what would be accomplished in a world not fallen; he alone can complete redemption by re-creation.
...It is essential to bear in mind that faithfulness is more important than success, since whatever fragile and mutilated goods are achieved by faithfully fulfilling one's responsibilities are material for the heavenly kingdom. Hoping, one should actively bring one's own plans into harmony with what one learns is God's rather different plan, counting on him to purify and complete the fragments of good which one succeeds in realizing in this world (see GS 39).
Meron ngang nagaganap na banggaan ng conservatist at liberals sa Catholic Church po ngayon. Sa mga di Katoliko, simpleng halimbawa na ang kautusang huwag kang papatay, ay maaaring dumating sa isang punto na kakaiba ang sitwasyon ng isang tao at di na niya malaman kung papaano nga isasabuhay ang kautusang ito. Nandyan ang isang matandang gulay na sa hospital dahil sa matinding stroke. At dahil sa mahirap lang ay baon na sa utang ang mga kamag-anak. Nagdesisyon ang doktor na wala nang pag-asa pang maulian ng pag-iisip ang kanilang mahal sa buhay kayat tinanong nya kung tatanggalin na ang life support. Mga mahihirap na sitwasyon na para bang kulang na ang ating pag-iisip upang maunawaan at kung papaano isasabuhay ang kautusang huwag kang papatay. Sa mas malalim na usapin, nandiyan ang usapin tungkol sa homosexuality at abortion (tingnan ang Part III sa baba). Subjective judgement nga ba ang basehan ng katotohanan o ang objective truth? Saan nga ba daw papasok ang pang-unawa at katotohanan?
Sa normal na usapan ito'y nasasabi natin sa salitang dapat magi tayong open-minded dahil iba't-iba nga ang sitwasyon natin sa buhay kahit pareho lang naman ang kautusang sinusunod natin.
Sa pulitika halimbawa, kailangang makinig tayo sa mga dokumentaryo halimbawa ng Iwitness kung saan ang kawalan ng batas na tutugon sa makabagong sitwasyon ng tao ay di maisagawa ng mga nakaluklok nating mga opisyal ng gobyerno kaya kinakailangan ang mga lawmakers upang ito ay tugunan sa paggawa ng mga bagong batas na tutugon sa makabagong sitwasyon.
Ang sakripisyo ng pag-iintay na yumaman muna bago mag-asawa ay isang malaking katanungan para sa maraming mga taong sa palagay nila ay sa hirap ng buhay ngayon ay dapat munang ipagpaliban ito. Yumaman sa karanasan, karunungan, kaalaman, at pinansiyal na kakayanan. Iba na nga ang sitwasyon natin ngayon. Pero kinakaya naman ng iba. Anu-ano nga ba ang mga sitwasyon na ito? Job security? Affordable housing? Samantalang mas mayaman ang bansang Japan kumpara sa Pilipinas, pero pinipili ng 25% ng mga Hapon na edad 30 na wag nang mag-asawa o mag-asawa na lang kapag stable na financially, meaning, matanda na.
Roughly a quarter of Japanese people between 20 and 49 are single, and while people of this age routinely express a wish to get married, one in four Japanese in their 30s say they have no plans to get married
Sa ibang banda naman, kahit ang kaibigan ko ay mayaman na, wala naman syang heterosexual tendency. Naman! Kanya-kanya nga tayo ng struggles.
Tumaya naman daw ako sa Lotto para yumaman na at makapag-asawa na sabi naman ng isa kong kaibigan.
Optional Readings: Three-part essay by Deacon Tracy Jamison, OCDS, PhD
Intro Different Philosophical Paradigms and A Quest for Theological Unity
Part I The Aristotelian Prerequisites of Epistemological Realism
Part II The Carmelite Phenomenology and Theology of Saint John Paul II
Part III Psychological Factors and Metaphysical Assumptions
Freud, Marx, and Nietzsche condemn the human heart and regard it only with suspicion, whereas Plato, Aristotle, and Christ appeal to the human heart to fall in love with what is transcendent, and ultimately to fall in love with God.[15] This is indeed the credible and optimistic news that saves people and cultures when it is heeded. We must make apparent the inherent despair of modern skeptical philosophies and the inherent respect that the Gospel has for the human person. We must appeal to modern man to pull out of despair and aspire to community, truth, goodness, and beauty. (from Part II above)
Pinatigas ng Diyos ang puso ko. Sobrang tigas at hanggang ngayon ay nag-iintay pa rin ako ng sign kung mayaman na ba ako o hindi bago ulit ako manligaw o tuluyang mag-asawa. Pero kahit naman di ako mayaman ay kaya ko namang mag-asawa. Pero pag pinaghanapan na ako e bumabalik na ang kalyuhin kong puso. Bahala kayo diyang maghanap ng iba, kasi di pa rin ako pinagpapala ni Lord.😅
Me kinalaman nga ba ang ekonomiya ng mundo sa karanasan ng puso ko? Parang magkahiwalay silang sabay na nangyayari pero sumasalamin sa isat-isa. Kahit mga hinaing ng aking Bebe ay nasasalamin ko rin. Gusto nya pero ayaw pa rin. Gusto nyang makatulong sa pamilya nya at nauunawaan ko iyon. Pero gusto na rin nya akong makasama. Pinipili ko ang makabubuti para sa aming relasyon. Ang makipagrelasyon sa kanya na parang meron na para ding wala.
Sa kabilang banda ay ang katotohanan ng pag-aasawa bilang isang sakripisyo. Nais nating maipása sa susunod na henerasyon ang di natin narating. Añt lahat ay gagawin natin upang iyon ang maisakatuparan sukdulang putulin ang pag-aasawang di pa rin makayanan. Ngunit kapag tinawag ka na ng lama0n este ng Diyos, kahit sabsaban ay magiging sapat sa darating na sanggol.
Marahil ay apuhap na ang mga gobyerno sa buong mundo upang panatilihin sa replacement level fertility ang populasyon. Harinawang wag nang intayin pa ang pagkapahi ng isang bansa bilang masaklap na karanasan na ang responsableng pagpapamilya ay numero unong obligasyon ng bawat gobyerno. Ayaw kong mapahi sa balat ng lupa ang kultura at tradisyon ng mga Hapon, halimbawa, na patuloy na nag-iimbento ng napakaraming mga bagay na patuloy na nagbibigay ginhawa sa buhay ng maraming tao.
Dakila ngang masasabi ang Diyos sa pagkalikha nya sa sangkatauhan. Hindi natin lubos maisip at maubos ang walang hanggang karunungan ng Diyos, na mayat-maya ay natutuklasan pa lamang ng sangkatauhan. Alam ng Diyos ang hirap at dusa ng bawat isa sa atin. Subalit wag namang maging dahilan iyon ng pagtalikod natin sa panawagan nya sa kadakilaan ng sangnilikha at sangkatauhan. Nariyan ang kanyang mga gabay-utos na di na kailangan ng kahit anong uri ng pilosopiya upang maintindihan ng kaibuturan ng puso. Ginawa nga nyang kakambal ng puso ng tao ang mga katotohanang iniukit niya sa bawat nilalang (natural law) na malinaw at madaling nauunawaan ng bawat isang tao. Pero nandiyan ang kabuktutan na patuloy nating dapat labanan at pagtagumpayan, sa pamayanan man ito o sa personal na buhay. Tulungan nawa tayo ng Maawaing Diyos!
Comments
Post a Comment