XIV. At the Heart of the Controversy

Naaalala nyo si St. Francis of Assisi? Nasa gitna rin sya ng kontrobersya noong kapanahunan nya, nang bumaba ang simbahan sa mga abang tao.

Ganun din sa palagay ko si Pope Francis ngayon sa panawagan nya sa mas maigting na pag-unawa na dapat ibigay ng simbahan sa mga "makasalanan" at aba ng lipunan.

Paminsan nga baliktad na. Kung paano natin pinapakitunguhan ang kapwa natin ay gayun tayong makitungo sa ating sarili. Di natin pinapatawad ang sarili natin, di inuunawa, di tinutulungan, dahil ganun din tayo makitungo sa iba.

Kung meron mang maitutulong nga ang phenomenology sa buhay ko ay ito na iyon. Ang patuloy kong pagmumuni-muni sa Walang-hanggang Awa ng Diyos sa makasalanan kong pagkatao, ang pagtanggap ko sa sarili ko na minahal ng Diyos kahit imperpekto, upang maipadama ko sa kapwa ko sa kumplikado nyang sitwasyon ang pag-unawa at pagmamahal ng Diyos.

Pinuri nga ni Pope Francis si St. Alphonsus De Liguori at nagsabi

Moral theology cannot reflect only on the formulation of principles, of rules, but needs to be proactive about the reality that exceeds any idea (cf. EG 231). This is a priority (cf. EG 34-39), since the mere knowledge of theoretical principles, as Saint Alphonsus himself reminds us, is not enough to accompany and sustain consciences in the discernment of the good that is to be done. It is necessary for knowledge to become practice through listening to and receiving the least, the frail and those regarded as rejects by society.

The proclamation of the Gospel in a rapidly changing society demands the courage to listen to reality, to "educate consciences to think in a different way, in contrast to the past" [3]. (read the whole short message

Hindi nga natin isasaisantabi ang buong turo ng Panginoon. Kumbaga ay mas maigting lang nating uunawain ang sitwasyon ng ating sarili at ng ating kapwa upang mas lapat nating maisakatuparan ang hinihingi sa atin ng Panginoon para sa sarili at para sa kapwa. Maaring mahirap nga ito at magduda tayo na baka suminsay tayo sa turo ng Panginoon. Subalit katulad ng ginawa ng Patron ng mga Moralista na si St. Alphonsus De Liguori, wag tayong matakot sa mga makabagong hamon ng buhay na halos kulang na ang mga lumang tuntunin upang tayo ay sapat na magabayan. Di upang "baguhin" ito, kundi upang mailapat ito ng maayos sa makabagong sitwasyon natin ngayon na wala pa sa mga isinulat ng mga moralista dahil bago pa ang sitwasyon.

Hilingin natin ngayong kapistahan ni St. Alphonsus De Liguori ang kanyang pagpapala na higit na maunawaan ang kumplikadong sitwasyon kung saan nakapaloob ang ating buhay at buhay ng ating kapwa.

"This man welcomes sinners and eats with them." (Luke 15:1-2)

Sinabi na ay, lalabas sa tawas na makasalanan ako. Pero ngayon ay may pagtanggap sa sarili ko, pati na sa kapwa ko. Baka sa pagtanggap ko ay magsimula ang pagbabago. Baka maawa na ang Diyos sa akin at ipakita niya sa akin ang mga solusyon na di pa naisusulat o naiisip man lang ninuman. Dahil sa pagkaangat ko sa kadustaan ay dagdag kakayahan ko upang maiangat rin ang nagdurusa kong kapitbahay.

Marahil ay kulang na ang phenomenology upang unawain natin ang kalagayan ng ating kapwa tao, pati na ang atin-ating mga sarili, sa mga sitwasyong kulang na ang mga taluntunan upang tumugon sa kapamaraanang makaDiyos at makatao. Limitado ang mundo ng phenomenology lamang. Ang kailangan ay buong puso at pagkataong pag-unawa sa sitwasyon nating lahat at tulong ng Mabathalang Awa ng Diyos.

Hindi natin dapat limitahan ang ating sarili sa phenomenology lamang. Sabi nga ni St. John Paul II sa Fides et Ratio,

 In brief, there are signs of a widespread distrust of universal and absolute statements, especially among those who think that truth is born of consensus and not of a consonance between intellect and objective reality. In a world subdivided into so many specialized fields, it is not hard to see how difficult it can be to acknowledge the full and ultimate meaning of life which has traditionally been the goal of philosophy. Nonetheless, in the light of faith which finds in Jesus Christ this ultimate meaning, I cannot but encourage philosophers—be they Christian or not—to trust in the power of human reason and not to set themselves goals that are too modest in their philosophizing. The lesson of history in this millennium now drawing to a close shows that this is the path to follow: it is necessary not to abandon the passion for ultimate truth, the eagerness to search for it or the audacity to forge new paths in the search. It is faith which stirs reason to move beyond all isolation and willingly to run risks so that it may attain whatever is beautiful, good and true. Faith thus becomes the convinced and convincing advocate of reason.(emphasis mine)

As they have told us, the unique situation you are in might not be repeated in history anymore. But though it is a unique one, it doesn't mean it is outside the radar of the universals. Sakop pa rin iyan ng mapagmahal na batas ng Diyos. Nga laang ay sa iyo lang talaga nangyari ang mga bagay-bagay na iyan at maaaring di na mararanasan pa ng kahit na sinong tao hanggang sa katapusan ng mundo. Valid nga ang katotohanan ng karanasan mo at di pwedeng sabihin ng kahit na sinuman na di yan totoo dahil wala pang nakaranas sa buong mundo ng naranasan mo. Ganun din naman, kailangan nating maibigay sa ibang tao ang benefit of the doubt na totoo ang sinasabi nilang mga pangyayari sa buhay nila na di mapasinungalingan ng iba.

Then clear us from our hidden faults oh Lord. Only then will I be upright.

« Previous ChapterTable of Contents | Next Chapter »

Comments

Popular posts from this blog

Conclusion

Practical Thinking

Artificial Intelligence