Tuesday, March 18, 2025

Safeguards

 Ayaw kong sisihin nyo ako na pinopromote ko ang phenomenology dito ng kulang-kulang. Pwedeng ang phenomenology ay katulad ng isang nuclear reactor na napaka-powerful at beneficial pero napaka-delikado rin kung walang containment structure. Ang nasa baba ay galing sa Gemini, Deep Research, 19 March 2025. Pandagdag sa pang-unawa upang mas magabayan pa kayo ng mabuti.

Navigating Moral Theology: Integrating Perennial Principles and Contemporary Realities

Isang punto ni St. Alphonsus De Liguori sa article na iyan ay di lamang dapat napipilitan ang mananampalataya na sumunod sa mabuti dahil sa takot.

Ganun din naman iyan nga ang kinakalabsan ng mga talakayan kung paano mo ibabahagi si Kristo sa iba. Ang article na ito halimbawa ay parang para lamang sa mga trabahador sa Simbahan. Sila lang ba ang may obligasyon na ibahagi si Kristo sa iba? Sa palagay ko'y lahat ng taong hinipo ni Kristo upang maligtas at maiayos ang buhay ay may natural na nag-uumapaw na puso upang ibahagi ang Panginoong mapagpatawad at mapagmahal. Totoo nga na ang article ay tumutukoy na mangakit lamang at hindi dapat mamilit. Dahil sa pamimilit ay di totoong naibabahagi si Kristo sa iba, katulad ng pananakot upang sumunod lamang ang isang tao sa kung anu ang mabuti. Iyan ay dagdag paala-ala kalakip ng mga time tested Catholic teachings sa personal na lebel ng pagsasabuhay ng Salita ng Diyos, pagdarasal, etc.

« Previous ChapterTable of Contents | Next Chapter »

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Table of Contents

Mag Phenomenology Tayo Intro: Phenomenology of My Choice I. Rosario: Paulit-ulit na Dasal II. Inflation III. God Will Provide IV. Covid-19 V...