How to Do Thomistic Phenomenology?

 


I'm sorry but I am not fully familiar with Husserlian phenomenology that's why we need to hear from an expert what it is. If the original way of doing phenomenology is to be the method, then Manuel B. Dy, PhD above has faithfully explained to us in a terse but crystal clear way what Husserlian phenomenolgy is. St. John Paul II told though that consciousness is not itself intentional but just mirrors the intentional act of knowing.

I am for Thomistic Phenomenology as shown below.


I am not for Pure Phenomenology as shown below that somewhat diverted from the metaphysical terrain and created a misinterpretation of consciousness as similar to acts of knowing. The result is that it fully and truly brackets out reality, imprisoned in an inner world. 

Awareness or consciousness is inside us. Whereas acts of knowing somewhat goes outside and captures being (object of metaphysics). But pure pheno somewhat tells that inside is the same as outside. Of course, outside is not inside. Awareness stays inside us, but it just mirrors the acts of knowing, which is really the one going outside. And pure pheno somehow makes the inside awareness becomes metaphysical.


But I am not against Phenomenology too as shown below.

In my experience of career failures, and then delving deeper into it using phenomenology, I can say at least something about its psychological effect. Pure phenomenology, that is, a phenomenology that doesn't respect Thomism, is bound to fail and can border on the delusional. But with the guidance of Thomism, expect a much clearer view from phenomenology, or newer avenues you can better explore.

In short, pheno reflection must not deny the  metaphysical and further, the spiritual. We can always purely phenomenologize, yet have to be aware of its limits. 

To say that it has no tendency to point to metaphysical and spiritual reality, is like denying yourself the experience and benefit of a phenomenological reflecting in full circle. Let us rather expound its supplemental capacity for metaphysics, which opens up the spiritual realm, or at least not deny or prevent it.

--------------------

Di nga masusukat ng salitang career failure, ang pagkanakaw ni Dimas sa langit, at ibat-ibang career failures na nararanasan natin. Kung kailan wala nang pag-asa, saka bumubukal ang biyaya at awa ng Diyos. 

Ninakaw nya ang langit sa pinakahuling hibla ng kanyang hininga. 

Dahil nagpatuloy tayong umasa at umibig sa kahit pinakamaliit na kapamaraanan lamang, nagpatuloy din ang buhay. Kung kailan lulutuin na ng balo ang huli nilang pagkain bago mamatay, saka pa nagpakita ang grasya ng Diyos dahil ang balo ay nagbigay muna ng parte sa kakarampot na kung anung meron sila kay Elias. 

Hindi nga ba ang essence ng career success ay pagbabahagi ng ating sarili sa iba? Kahit na tagatiltik ka lang ng kalawang ng barko, kung ginagawa mo naman daw ang pinakamaliit na bagay ng may pag-ibig, sang-ayon kay Saint Therese, ay malaking bagay ito at kalugod-lugod sa Dyos, kahit napakaliit ng tingin mo sa sarili mo kumpara sa kapitan ng barko. 

Bumubukal nga ang biyaya ng Diyos sa kaawa-awa nating sitwasyon, na sa tingin ng mundo ay kawalan na. Palpak ang mga plano mo sa buhay. Ang patuloy mong mga pagsusumikap ay di kailanman sasapat upang matapalan ang mga palsipikado mong mga desisyon sa buhay, kahit pa sabihing at least me natutunan ka naman. Yung iba narerealize na lang ang lahat ng kapalpakan nila kapag nasa kulungan na sila serving reclusion perpetua. Pero ang patuloy na gumagawa lang ng masama ang magkakaroon ng totoong career failure.

Ang paghuhugas nga ng kamay ni Pilato ang matatawag nating tunay na career failure dahil nagsaad sya sa publiko na wala syang kasalanan o pananagutan sa kapwa nya. Pero career failure nino? Ni Pilato o ng mga Judio? It is called social or communal sin. Ganito ba ang career failure mo? Bunga ng kahinaan mo pero may dagdag na ambag ang iba o sistema kaya nangyari sa yo?

May dignidad nga ang trabahong di nasusukat ng laki o liit ng sahod. At kahit napakaliit ng kabutihang ginawa mo ay kaya nga nitong nakawin ang langit higit pa sa hinahangad mong sapat lang sana na sahod. Si Santa Claus daw ay laging naririto minamasdan lamang ang ugali natin. Mapa spiritual o material blessings man ang hinihiling natin, umasa tayong darating iyon sa oras na atin itong kailangan huwag lang tayong manawang maging mabuti o magsumikap magpakabuti.

The guide is Thomistic, and the tool is phenomenology.

We might not need to phenomenologize about our career failures. We might even benefit more from the existential experiences of Tesla, van Gogh, Lovecraft, Allan Poe, and Schubert to say to ourselves that lack of finances doesn't negate our work and life value. But we also don't need to overemphasize phenomenology by saying that other fields of endeavor like the objective scientific and problem-solving method won't give us insights, and that phenomenology is sufficient in itself. 

Paminsan, katulad ni Dimas, ang pakikisama na lang natin sa pagkapako ni Kristo sa krus sa huling sandali pa ng buhay niya ang sapat na explanation upang maibsan ang ating pagtatanong. Let's remember that phenomenology specializes in description rather and not explanation. Contemplating Christ crucified is the full and complete explanation to the question of why there is evil in the world.

Ang descriptive analysis din ng phenomenology paminsan ay masakit sa ulo, nakakahilo. Para itong quantum computer na pwedeng masolusyunan o hindi ang 20 years mo nang problema sa loob lamang ng isang upuan o hanggang matapos mo ang phenomenological reflections mo, maybe after one to six months. At maaari ring matulungan o hindi nito ang sinumang naghahagilap ng solusyon sa personal nyang buhay kung saan ang mga universals ng morality ay parang kulang na at di akma sa napaka-specific ninumang sitwasyon. Halimbawa nga, kahit na analyze na natin phenomenologically na di ibig sabihin na walang pera sa ginagawa mo ay wala na ring halaga ang ginagawa mo. Pero kailangan mo ang pera dahil may paggagamitan ka! I phenomenologically analyzed though na di mo naman kailangang itigil ang unremunerated works mo. Kailangan mo lang humanap at magdagdag ng gainful work. Maaaring itigil pansamantala ang ilan sa mga unremunerated works mo habang sinasanay mo ang sarili mo sa bagong trabaho. By describing things though, mas madali mo ring mabibigyan ng specific situation ang AI, na parang isang synthesized collective conscious or reasoning ng lahat ng tao, upang mailapat ang universals sa unique situation na meron ka. AI can universalize the relevant collective conscious human data to your particular situation, but only if you describe your situation carefully or inquire carefully or inquire more completely.

Pagkatapos ng pilosopikal na kaisipan ng phenomenology ay dadako na tayo sa espirituwalidad. Ang esperituwalidad ay may batayang theological concepts. Subalit ang esperituwalidad ay aktwal na pakikisalamuha o pakikitungo o relasyon ng Diyos sa tao o sa indibidual na tao gaya ng mga santo. Isa na rito si St. Ignatius of Loyola na gumawa ng Spiritual Exercises kung saan nakapaloob ang discernment of spirits (comforting/discomforting or consolation/desolation). Dahil limitado kahit na ang kakayanan ng ating kaisipan, kailangan natin ng tulong ng Diyos. Ano ang pipiliin natin sa mga mabubuting bagay na nasa harapan na natin? Discernment is choosing between two or more good options. You don't discern if to murder this person or just sue him. You discern if you will pursue Information Technology or Accountancy which are both good options. At kung mapayapa ang ipinaparamdam sa iyo ng Dyos sa pagpili mo sa Accountancy, pero nalulungkot ka naman o di ka mapalagay kung iniisip mo kung mag IT ka, therefore tinutulungan ka ng Diyos na piliin ang Accountancy. Wala ngang tao ang nakaaalam sa hinaharap at kung anu ang makabubuti talaga para sa iyo. Pero alam ng Diyos na limitado ang ating kaisipan sa mga ganyang bagay kaya nya tayo tinutulungan.

Kung merong ganitong mga pamamaraan na itinuro ang mga santo, bakit di natin gamitin lalu na kung sa tingin mo ay di na kaya ng phenomenological reflections o kahit anung syensiya ang mga pinag-iisipan mo sa buhay. Sa huli katulad ni San Anselmo, sa paghingi nya ng tulong sa Dyos ay patuloy lamang siyang lalung nakapagpilosopiya. Because the truth of God and the truth of science cannot contradict each other, since they are both truth, assuming they are both really true.

Comments

Popular posts from this blog

Conclusion

Practical Thinking

Artificial Intelligence