The Greatest Regret of All
Paano ko nga ba isinasabuhay ang catholic christian faith ko? Nagdarasal ako of course. Nadiscuss na natin ang panalangin. Dahil ang resentment ay isang pagkakamali ng nakalipas na kita ko na ngayon, isa itong parte ng imperpektong mundong ito na nananalaytay sa aking nakalipas, at ipinagpapasa-Dyos ko na. "Dyos ko tulungan mo po ako nandito na naman po ang desire ko na kumita at magtrabaho bilang Electronics Engineer!" Walang ibang solusyon sa topic natin na iyan kundi ang panalangin na iyan. Pwera kung tatama ako sa lotto, e di makakapag-aral na ako ng Electronics Engineeering kahit matanda na ako.😅
Sa aking trabaho bilang salesman (paunawa, me mga bagay ako na di pwedeng isiwalat) nagamit ko naman ang diploma ko sa psychology upang ma-obserbahan ang ugali ng tao at kung papaanong mas maayos akong makakaresponde sa kanila sa iba't-ibang pangangailangan nila, ibat-ibang klase ng pagkatao, ibat-ibang uri ng imperpeksiyon na lumalabas sa bawat transaction o interaksyon. Nadiscuss na natin ito sa intersubjectivity of patience. E paulit-ulit lang pala ako. Kasi yung dinidiscuss ko ay yun na rin ang kung paano ko isinasabuhay ang aking pananampalataya.
Gusto kong maging santo, di upang mainsensohan, kundi upang maligtas sa impiyerno, pero dahil I tasted and saw that the Lord is good (Psalm 34:8), at dahil na rin sa salita ng Panginoon na be perfect as your heavenly Father is perfect. (Matthew 5:48) Pero dahil din isa akong dating makasalanan. Kung may pinakamasamang tao ay marahil ay ako na yun. Marahil nga ay wala akong criminal records pero punong-puno ng kasalanan ang aking utak, puso, at balunbalunan.😆 Please naman wag nyo na akong tanungin kung anu-ano ang mga iyon.😅 At patuloy akong nagsusumikap upang maging banal sa kabila ng patuloy na pagbagsak. Kaya siguro may lakas ako ng loob na akitin ka kaibigan ko na makipag-usap sa Diyos, dahil mas makasalanan pa nga ako sa iyo dati kaibigan ko. Sa totoo lang ay gusto kong yumaman katulad mo. Pero parang hindi iyon ang plano ng Diyos sa ngayon sa buhay ko. At ginamit ko na nga ang phenomenology upang matuklasan ang di maintindihang parte ng buhay kong ito, na ang career ko ay di pwedeng isolated lamang at kagagawan ko, micro level. Ito ay apektado ng buong mundo, macro level, kaya nasama ka kaibigan ko sa aking dapat sana ay personal na repleksiyon lamang, sorry.✌ At nakita natin na imperpekto ang mundong ito kung saan tanging ang pagbabata sa ating sariling mga krus at pagninilay sa Kristong nakapako sa krus lamang ang tanging sagot sa ngayon sa problema ng mundo dahil wala pa naman tayo sa langit o di pa natin nakikita ang Diyos o logical proof of God na kumpletong kasagutan sa ating mga philosophical questions. Bagaman nandiyan na ang revealed truths na nakumpleto sa public life and death ni Lord Jesus Christ, naghahanap pa rin tayo ng kasagutan. At dahil nga nasabi natin na di pa itong mundong ito ang ating tunay na tahanan.
Pero titigil na lang ba tayo sa ganyan? Ano ang gagawin natin habang nag-iintay tayo sa muling pagbabalik ng ating Panginoon? Isa na nga ang panawagan sa lahat ng tao na maniwala at tumalima sa Diyos bukod pa sa mga nabanggit na nating mga personal na gawain. Ang importansiya ng katotohanan sa ating diskusyon sa isip, sa salita, at sa gawa ay di matatawarang pundasyon ng buhay sa mundong ito na binigyang diin na ng napakaraming mga thinkers at pati na rin ng revealed truths. Patuloy lamang tayo sa pagtuklas pero sa pagpapakabanal din dahil di lamang sa pagtatrabaho ang buhay na ito. Bagaman natalakay din natin ang macro level na nakakaapekto sa kung anu ang dapat ko pang gawin sa aking career o pagtatrabaho, kaya nabanggit natin na ang dignidad ng tao kahit di lamang nakabase sa pagtatrabaho ay di rin magkakaroon ng dignidad kung walang rin namang trabaho ang tao sa planong automation at universal basic income at nangangailangan nga ng patuloy na pag-aaral at pag-aadjust ng buong mundo sa kung anu nga ang makabubuti para sa lahat upang patuloy na manatili ang buhay ng tao.
Matthew 24:29 and following but of course on verse 30:
Then the sign of the Son of Man will appear in heaven, and then all the tribes of the earth will mourn, and they will see ‘the Son of Man coming on the clouds of heaven’ with power and great glory.
ChatGPT-4o, 23 May 2025 said, "The tribes mourning implies both recognition and regret—perhaps from those who did not believe." It's not a threat my friend. It's a future regret, since the signs have been given, solid proofs, valid reasons, passing rigorous rational criterias, living traditions of the Judeo-Christian you can talk to (even Old Testament people still exists intact and some interpret the generation that wont pass away in that passage is the Jewish people until Jesus comes back. So yes, you can't annihilate them, not of their own worth but due to God's proof of his revelation, though this is just a theological opinion since the passage have many possible interpretation.), but still you did not believe. Your living of any of the Catholic faith will start with belief my friend.
Comments
Post a Comment