Unscientific

 My two stooge friends (I'm the third) asked me why I am practicing unmeasurable or unobservable practices that don't even benefit me (remember me being poor still). Thus I told them St. Louis de Montfort said:

Even if you are on the brink of hell, one foot in the grave, and your soul stained by sin—if you take up the Rosary and pray it devoutly, Mary will rescue you.

They laughed at me, one just smiling while shaking his rolex, the other guffawing while playing with his heavy 24k gold chain necklace and said, 

Because you believe that you are a sinner and you will be cast into hell.

You're both right, I told them. I'm a christian believer that's why I'm practicing it which is not so scientific or logical. There is no immediate proof. But at least we theist combined (83.7%) outnumber atheists/nonreligious who are only 16.3% of world population. (reference, Google AI Overview, 18 May 2025)

We christian theists are called to be the salt of the earth and the light of the world. We are called to preach the Gospel to the ends of the earth. I cannot explain why God is not still making me financially well off. I don't have God's reasons for now. And I may not be as rich as you are, but I'm not also wallowing in poverty. 

If I'll become 10x richer than both of you combined, would you believe in God now and obey his commandments?... I don't think so... You won't see God's proof either. 

And I left my chair and my two friends sitting silently.

Immediate proof of God is missing, the historicity of Jesus is being questioned, and miracles in the Catholic church are branded as hoaxes although independent scientists have carefully investigated the proofs and no scientific explanation can be said. And miracle is defined by Oxford Languages as "a surprising and welcome event that is not explicable by natural or scientific laws and is therefore considered to be the work of a divine agency." I think it is not to be called unscientific, but something beyond nature and science, telling us that there are hidden realities outside this material world. If physics can still observe it, then it is still material and not yet spiritual. Thus, faith depends on trust in God most of the time, although sometimes God shows himself to believers in many ways.

Parang gusto ko nang gumawa ng masama o magpakasama o matuluyang mawalan ng pag-asa sa hirap ng buhay. Kaya paminsan nasasabi natin, Diyos ko kunin mo na ako, gusto na kitang makita.🤣 Masarap magtiwala kaibigan ko sa Diyos. Ibuhos mo lahat ng hinaing mo sa buhay at isuko mo ito sa kanya. Kami kasing mga naniniwala sa kanya ay paminsan ay nakakalimot din na may Dyos nga pala. Kaya paminsan ay pinabibigat ng Dyos ang aming buhay upang lumapit muli sa kanya. Pasensiya na Lord sampung taon na ang nakalilipas mula noong akoy huling pumasok sa simbahan. Pero hindi ko na po kaya ang mga sunod-sunod na dagok sa buhay ko kaya po akoy lumalapit na sa iyo ngayon. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at tulungan mo po akong magpatawad sa mga taong gumawa sa akin ng masama. 

Malimit kasi kapag kami ay tumatawag sa kanya ay lalu pa nyang dinaragdagan ang mga krus ng aming buhay imbis na pagaanin ito. Ewan ko, kaya inaaway namin ang Dyos dahil di nya binibigay ang hinihiling naming mabubuting bagay. Bagkus na pagpapala ay sangkaterbang problema pa ang idaragdag sa iyo. Iyan ang relasyon namin sa Dyos kaibigan ko kaya marami ang tumatakbo papalayo sa Diyos dahil krus ang ibinibigay nya. Dyan nasusubok ang pagtitiwala. Di mo na nakikita ang Dyos e di mo pa nararamdaman na kakampi mo sya. Sa langit siguro kapag nakumpleto na ang istorya ng buhay natin kung bakit nga ba, e siguro ay pasasalamatan pa natin ang Diyos kung bakit ibinigay ng Dyos ang mga problemang iyon. Sa ngayon ay tanging kakulangan sa pruweba pa ang matatanggap mo sa amin kaibigan ko. Dahil kami rin katulad mo ay patuloy na namomroblema sa buhay na ito. Well, di mo naman maitatanggi, sa dami mong kaalaman sa syensya, para ngang nadagdagan pa ang problema ng mundo. Marami ka pa ring hindi masolusyunan na mga problema. Huwag mong itanggi kaibigan ko na nanganagarap ka rin katulad ko ng mas magandang kinabukasan at umaasang matutuklasan rin ng mga tao sa hinaharap ang mga napasimulan mo na ngayong solusyunan. Hindi nga ba kami tinutulungan ng Diyos? Wala ba kaming oras ng kagalakan? Puro ba krus lamang ang buhay ng isang Kristiyano? Pag ba nakakatuklas ka ng bagong imbensyon ay natutuwa ka rin sa buhay na ito? Pero ganun din kami. Pinasasalamatan nga lang namin, bilang dagdag, ang Diyos sa binigay nyang biyaya.

Alam ng Dyos na tao lang tayong gawa sa putik at kung wala ang kanyang mga pagpapala ay di makakagawa ng anumang kabutihan. Ang kaibahan lang natin ay direkta kong pinasasalamatan ang Diyos na nagbigay ng mga biyayang ito. Ikaw naman ay ina-attribute mo sa scientific method. Kung bakit nangyari ang isang bagay ay dahil sa science at achievable through observing rigorous scientific ways and means. Isa rin akong scientist at sinusunod ko ang scientific method para sa material world. Pero may mga katotohanan nga na lagpas sa material world na ito. Kaya bilang isang scientist ay nagcecelebrate din ako sa aking tagumpay, pero bilang kristiyano rin ay nagpapasalamat din ako sa Diyos sa mga tagumpay na binigay nya. Ang iba naman ay itinatag ang scientology bilang isang relihiyon. Isang kahihinatnan kung di mo nga aaminin sa sarili mo na may Dyos.

« Previous ChapterTable of Contents | Next Chapter »

Comments

Popular posts from this blog

Conclusion

Practical Thinking

Artificial Intelligence