Friday, April 10, 2026

Bakit Tama ang Santo Papa at Mali ang Magisterium AI

Di po ako diplomat at limitado ang aking kaalaman tungkol doon kaya itama nyo ako sa maaaring mali kong masasabi dito. Isa lang po akong nagtatangka sa phenomenology at nakita ko ang aking mga karanasan gamit ang mga AI at ang mga kasalukuyang pangyayari.

Pero di alam ni Magisterium AI na ang Iron Dome ay isang defensive mechanism lamang at sa totoo lang ay pinapahaba ang pasensya ng bansang inatake sa bansang umatake. Pinupuri ko rin naman si Magisterium AI sa totoo lang kasi itinama nya ang mali kong konsepto ng just war at may atake talaga na kahit anong sabihin ay sala katulad ng nuclear attack.  Huwag lang talaga sa konsepto ng Iron Dome.

Kaya nga di dapat ibigay ng tao ang buong pagtitiwala sa kahit anung AI dahil may mga nangyayaring bagay na di saklaw ng AI design. Ang Magisterium AI ay nakadisenyo upang salain ang mga katotohanan sa set ng moralidad at pananampalataya. Pero di ito tulad ng Gemini na pati nangyayari sa kasalukuyan ay nakikita nito. Ang moralidad ay nakabase sa tatlo: object, intention, at circumstances. At bumagsak si Magisterium AI sa pag-unawa sa circumstances dahil nakafocus ito upang bigyang emphasis ang moral and faith certitude. Ang tao ang dapat kahulihang nagdedesisyon, di ang kahit anong AI, tandaan. Understand what the AI you're using is for, its limits. You'll go a long way just with that understanding and correctly use the AI effectively for your life.

(You can ask Gemini about Magisterium AI since Magisterium AI don't know. Gemini can access online info so it knows that Magisterium AI default is based on OpenAI GPT, and its Reason mode is based on Claude, but both cannot access online things so as to avoid hallucination and be faithful to its source, the Vatican library.)

Tama po ang Santo Papa. Di nya pwedeng sabihin na mabuti ang Iron Dome dahil ito ay pansamantalang solusyon lamang sa harap ng kasamaang nangyayari kahit na iyan ang totoo sa harap ng katotohanan ng kasamaan. Sinong tanga ang pupurihin ang galing ng isang black belter habang kasalukuyang mahusay nyang nadedepensahan ang sarili sa patuloy na atake ng may itak. Di ka papalakpak kundi pupunta ka sa gitna nila at aawat sa pinakaligtas na paraan ng pag-awat. Wala ng panahon upang ituro pa kung sino ang nagpasimula at nagpapatuloy ng gulo. Alam nya rin na malapit nang maubusan ng pasensya ang mga inaatake. Di siya bulag sa mga nangyayari di tulad ni Magisterium AI. At lumumpat lamang ang Santo Papa sa ultimate, lasting solution, kapayapaan.

Bagkus ay samahan natin sa pananalangin para sa kapayapaan ng mundo ang Santo Papa. Ilang beses na kasi kahit sa siglo lang na ito na paulit-ulit na ipinapakita ng Mahal na Ina na ang giyera ay bunga ng patuloy na pagkakasala ng sangkatauhan at isa ring parusa ng Lumikha. Kaya pwede tayong mag-ayuno at magdasal para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan upang Diyos na ang humipo sa puso ng bawat isa. Di na rin natin dapat banggitin na ang pagbabagong buhay ang solusyon na hinihingi ng Diyos sa bawat isa sa atin.

I think Magisterium AI won't be infallible, and it will never be given such. That's why I think US Copyright Office will hold forever that AI generated music cannot be copyrighted. The reversal to it would be catastrophic for humanity. That's a very broad generalization and a very early prediction. But given the present state of technology, the ethical dimension of it might be actually revealing itself already right before our eyes.

« Previous Chapter | Table of Contents | Next Chapter »

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Table of Contents

Mag Phenomenology Tayo Intro: Phenomenology of My Choice I. Rosario: Paulit-ulit na Dasal II. Inflation III. God Will Provide IV. Covid-19 V...