II. Inflation

Kapag parehas lang ang suweldo mo sa dati pero ngayon ay isang linggo pa lang ay ubos na ito. Di tulad noon tapos na ang isang buwan ay may natitira pa kahit konti.

Dati ang sampung piso mo ay nakakarating na sa pupuntahan. Ngayon kalahati na lang ang mahahayon nito.

Sa 6.3% inflation rate, ang 100,000 pesos mo sa bangko ay magiging 93,700 pesos na lamang ang magiging buying capacity. Kung ibibili mo ito ng bagay na tataas ang halaga ng 6.3% e di mababawi mo ang buying capacity ng 100,000 ulit.

"Saan ako bibili ng ganung bagay?"

Sa virtual trading ko nga lamang ay di ko na ito magawang kumita. Ang 100,000 pesos kong virtual money ay 77,000 pesos na lang ngayon!

Magkaroon ka daw ng mas maraming pinagkakakitaan para mahabol mo ang naghihingalong piso.

Traysikel drayber ako, me konting tindahan, me konting sideline sa pagmemekaniko. Kung kaya ko lang pagsabay-sabayin ang tatlo, gagawin ko.

Pero di pa rin natatapos ang giyera sa Ukraine. Diretso pa rin ang 6.3% inflation rate sa ngayon. Kaawaan tayo ng Diyos lalu na ang mga mahihirap.

Sabi nila kapag wala nang mabili ang  piso mo e, better go home and plant kamote.

Pero dito na ako lumaki sa city. Walang alam sa pagtatanim. Wala nga kaming lupa o probinsiya man lang. Go home and plant kamote on a pot? Pwede rin. Necessity is the mother of all inventions ika nga kung ayaw nating mamatay sa gutom. Sana'y wag nang dumating sa ganoong punto.

Pero sana wag nang dumating pa ang mga salitang recession at depression. Mga salitang parang mas nakakatakot sa salitang inflation.

Comments

Popular posts from this blog

Conclusion

Practical Thinking

Artificial Intelligence