Saturday, August 12, 2023

What Now?

 So, hindi ko na gagamitin ang phenomenology?

Gagamitin mo pa rin. Nga laang ay di lang dapat phenomenology lamang.

The primacy on the other hand of Thomism against phenomenology is akin to the primacy of reason against emotion, reason guiding emotion, and not the other way around. But it's a topic of its own already.

Kung hindi mo naman gagamitin ay sinira mo rin ang ating katutuklas pa lang na kaalaman. Iyon ay ang gamitin ang lahat ng klase ng kaalaman at karunungan sa pagtuklas sa katotohanan. At kasama na sa lahat ng siyensiya ay ang siyensiya ng phenomenology.

Meron nga bang naitulong ang phenomenology sa pagpili ko ng trabaho o career development?

Further description of one's unique situation in life or problem is like an eagle locking in on its prey, rendering a high definition view of the location and maze where it will land in real time. Harness the skill if you may. Since we know that a delayed image through blockage of sight can incapacitate the eagle if it will lock in on its prey or go search for a more viable option. We also know that a blur or pixelation in a live camera on a remote car can cause the same indecision whether to go to the left or right.

Interior Locution vs Interior Monologue

Maaari ngang iniimagine lang natin na nakikipag-usap tayo sa Diyos at sumasagot naman siya (interior monologue). Di bat kapag kausap ka ng kaibigan mo ay tunay na lapat sa sitwasyon mo ang kanyang salita at presensiya, kumpara sa binabasa mo lamang na aklat ng kuwento o kausap mo ang mga taong di ka kilala.

Ibahin natin ang interior locution kung saan maaari ngang kahit ang makasalanan na si San Pablo ay nalaglag sa kabayo ng may tinig na nagsabi, "Saul, Saul, bakit mo ako tinutugis?" Kakaiba ito sa interior monologue lamang. Totoong nagsalita ang Diyos kay Saul at lapat na lapat at angkop sa kanyang sitwasyon sa buhay ang sinabi ng Diyos kaya nga nagdulot ito ng pagbabagong buhay sa kanya. Nakita ng kanyang mga kasama ang liwanag, nalaglag din sa kabayo, narinig ang ingay, pero di naintindihan ang boses. Isang patunay na may naganap at itoy di lamang guni-guni ni San Pablo.

Makakatulong nga marahil na ang pakikipag-usap sa Diyos, o tawag natin ay pagdarasal, ay isang one on one sa isang Lumalang na Higit sa Lahat, pero ikaw ang kinakausap Nya. Marahil nga ay di tayo kasing priviledged ng mga santo na nakararanas ng tunay na interior locution, pero sa ating puso ay tunay na kinakausap nga tayo ng Diyos sa ating pangkasalukuyang kalalagayan. At nakatatanggap nga tayo ng mga kasagutang para lamang sa sitwasyon natin. Kaya nga masasabi nating dininig ako ng Diyos kahit na ako'y patuloy na naghihirap. Diyan papasok ang lagpas na sa kaisipan ng tao na maarok: kung papaanong kayang makipag-usap ng isang Walang-Hangganang Lumalang sa isang limitadong nilalang. At kung bakit ang Lumalang na ito ay alam kung ilan ang hibla ng buhok ng bawat isang tao sa mundo. Akala kasi natin ay di mahalaga ang bawat isa sa atin. Pero minahal tayo ng Diyos, at iyan ay isang usapang relihiyoso na, siyensiya ng pag-aaral tungkol sa Diyos o theology. Tanggapin na lamang natin iyan sapagkat lagpas na sa kakayanan ng ating isip ang pag-ibig na iyan na inaalok ng Diyos, lagpas pa sa mga kadustaang nakikita natin sa buhay ng bawat isa, isang misteryosong katotohanan na nagbibigay ng lakas upang ipagpatuloy ang buhay na ito. Kasing espesyal nga ni San Pablo ang bawat isa sa atin kahit na di natin naririnig ang tinig ng Diyos. Patuloy tayong magdasal sa gitna ng kadustaang nararanasan natin sapagkat Siya lamang ang makapagbibigay lakas at bagong direksiyon at pagpapanibago ng buhay upang maharap natin ang mga makabagong hamon ng panahon.

« Previous ChapterTable of Contents | Next Chapter »


No comments:

Post a Comment

Featured Post

Table of Contents

Mag Phenomenology Tayo Intro: Phenomenology of My Choice I. Rosario: Paulit-ulit na Dasal II. Inflation III. God Will Provide IV. Covid-19 V...