Posts

Showing posts from October, 2022

VIII. Personal Na Buhay

Image
Di ako mayaman, pero di naman ako gumagawa ng masama. May mabuti akong ginagawa kahit konti. Pero di ako santo, makasalanan ako, pero patuloy ako sa laban ng pagpapakabanal. Eto ang sitwasyon natin sa Pilipinas. Paminsan, naiisip kong masama akong tao dahil di ko pa rin mapayaman ang sarili ko. Samantalang may nagsasabi na kahit corrupt ang mga opisyal ng gobyerno, basta magsumikap ka, ay ikaw ay yayaman. Pero di pa rin ako mayaman, kaya ako'y isang masamang tao. Mali ang logic, pero parang tama, na ang mayaman ay mabuting tao, at ang mahirap ay masamang tao. Nasasabihan din ang marami na magaling lang sa pagpuna sa gobyerno. Magkano ba ang proposed budget for 2023? 5 Trillion! Aba ay dapat lang palang bantayan at usisain ang paggamit nyang perang iyan!  Lamangan system, hindi crab mentality, at hindi pagkakawatak-watak, ang sumisira sa pangarap ng bawat Pinoy. Ok din lang sana kung gagamitin sa kabutihan, mas masama kung sa luho lamang mapupunta. Justice is giving everyone his due...

VII. Pagkakaisa

Iisa ang hangarin sa iisang patutunguhan. Mas madali nga natin itong mararating. Mas maraming gagawa, mas marami tayong matatapos. Pero ano ang direksiyon at saan patutungo? Ito ba ay nakabatay sa katotohanan, kaya nga makatarungan? A basta! Walang kokontra, malayo ang mararating natin! Sama-sama tayo sa ating pagkawasak.🤣 Basta walang kokontra, ok na yun. Gets nyo ba? Kung walang malinaw na target e di natin yan mabu-bullseye. At kahit may criticism pa kung ito naman ay para matamaan natin ang tamang target, e di pakinggan. Pero may kumontra! Gets nyo? Wala yan sa pagkontra o hindi. Kailangang basehan natin ang katotohanan upang magkaroon ng tunay na pagkakaisa. Di naman issue ang kawalan ng pagkakaisa, kasi nga may mga anomalya. At kailangan nating alamin ang buong katotohanan ng anomalya upang mawala ang pagkakawatak-watak. A, ganoon pala ang tamang proseso upang mawala ang pagkakanya-kanya. Paminsan nanlilinlang ang oso na nakabihis tupa upang magkaisa tayo sa maling akala at di m...

VI. Ano Pa Nga Ang Pwedeng Trabaho ni Juan

Image
Bukod sa pag-iinom at tourism, pwede syang mangisda. Sang-ayon sa article na 5 Countries With The Largest Fish Yield  nangunguna ang China sa dami ng huli ng isda, 58.8 million tons.  The main factor makes abundant fish production is due to government policies which encourage massive fish cultivation which is supported by efficient technology. Sang-ayon sa Statista.com ang Pilipinas ay may huli na 4.25 million tons lamang. Ano ba ang meron sa China na wala ang Pilipinas? Meron silang malaking kalupaan, kumpara sa Pilipinas na napapaligiran ng tubig, kaya mas marami silang huli na isda.🤣 Gets nyo? Sang-ayon sa Wikipedia ang South China Sea ay may lawak na 3,500,000 square km (4.7 million kung lahat) samantalang ang Philippine Sea naman ay may lawak na 5,695,000 square km. Sa balita ay di makapangisda si Juan dahil sa mahal ng gasolina. Di na sana nya kailangang lumayo pa para lamang makahuli ng maayos kung napangalagaan ang mas malawak na karagatan ni Juan kesa sa kalupaan na...

V. Magbiro Nga Tayo sa Lasing

Sang-ayon sa latest research mas malakas uminom ang mga Koreano kaysa sa mga Pinoy. Sa wakas may tumalo rin sa Pinoy! They drink themselves to death pero ang mga Pinoy ang tawag lang ay happy hour. Masaya ang mga lasing dahil nagiging masaya pag nalalasing. Kaya hinahanap-hanap siguro ni Juan araw-araw at kapag wala nang atay ay madali nang mag-init ang ulo. Patay na! Ang hapi-happy nagiging killing spree. Buti pa pala si Oppa, sa ospital bumabagsak. Si Juan paminsan sa morge na pagkatapos ng madugong inuman. Ang mga kainumang marunong makipagbiruan ng maayos, ang hanap talaga ay kasiyahan, di naman talaga ang malasing for its own sake. Let's keep it that way. It's more fun in the Philippines. Come, let's eat my house! « Previous Chapter |  Table of Contents  | Next Chapter »

IV. Covid-19

E kung ganoon, bakit di pa itigil ng Dyos ang giyera sa Ukraine? Bakit pinapahirapan pa niya tayo? Tumpak, pinaparusahan tayo ng Dyos. Kaso, baka wala na tayong pakialam kasi di naman sa atin nag-gigiyera. Pero may epekto pa rin. At sapat na iyon upang makiisa tayo sa pagdarasal na itigil na ang giyera. Nakakapaisip din kung bakit ang Spanish flu at ang Covid-19 ay isinabay ng Diyos sa giyera. Nagkakasakit ang bata sa sobrang kalikutan nito o kapag sari-sari na ang ginagawa nito. Sari-sari na ang ginagawa ng tao, magulo, kaya nagkakaroon ng gulo o giyera. Dapat bang paluin sa puwet? Paminsan kailangan na hayaan ng magulang ang isang bata upang makita nito ang kakalabasan ng mali nitong ginagawa. At kapag nasaktan na ang bata sa mali nitong ginagawa, di na kailangan pang paluin sa puwet kundi pangaralan na lamang kung ano nga ba ang mangyayari kapag ginawa ang isang maling bagay. Of course, maraming mga conspiracy theories. Isa sa theory ko ay nasa isip siguro ng Dyos na tutal e papatay...

III. God Will Provide

Totoo naman, buhay pa ako. Ano ang halaga ng isang milyong piso ko kung dina-dialysis na ako. Kung may maayos akong sariling bahay na may bakuran at konting pananim, kahit wala pa akong 100,000 pesos na savings sa bangko, pero meron akong konting pinagkakakitaan o suweldo na 10,000 pesos monthly, puwede na. Basta nakakakain pa, at malusog naman ang pamilya, at sabi nila may bubong sa ulo, wala pala akong dapat ipangamba. Lahat daw ng iyan ay biyaya pa rin ng Dyos. Mas higit pa nga, sabi ng isang santo "All is grace."  Dapat pa nga pala akong mag-abot sa iba ng kahit konti kong makakayanan dahil busog ako at walang sakit kahit negative na ang maliit kong tindahan. Ipagdasal ang Ukraine dahil magagawa ko pang sumimba. Sa kanila, sira na ang mga simbahan, paaralan, palengke, mga bahay. Walang makapagtanim din ng mapayapa dahil kahit anong oras ay pwedeng tamaan ng missile ang lupa mong tinaniman. Di ka pwedeng magreklamo sa tangkeng sumagasa sa mga kamote mo kundi ay babarilin k...

II. Inflation

Kapag parehas lang ang suweldo mo sa dati pero ngayon ay isang linggo pa lang ay ubos na ito. Di tulad noon tapos na ang isang buwan ay may natitira pa kahit konti. Dati ang sampung piso mo ay nakakarating na sa pupuntahan. Ngayon kalahati na lang ang mahahayon nito. Sa 6.3% inflation rate, ang 100,000 pesos mo sa bangko ay magiging 93,700 pesos na lamang ang magiging buying capacity. Kung ibibili mo ito ng bagay na tataas ang halaga ng 6.3% e di mababawi mo ang buying capacity ng 100,000 ulit. "Saan ako bibili ng ganung bagay?" Sa virtual trading ko nga lamang ay di ko na ito magawang kumita. Ang 100,000 pesos kong virtual money ay 77,000 pesos na lang ngayon! Magkaroon ka daw ng mas maraming pinagkakakitaan para mahabol mo ang naghihingalong piso. Traysikel drayber ako, me konting tindahan, me konting sideline sa pagmemekaniko. Kung kaya ko lang pagsabay-sabayin ang tatlo, gagawin ko. Pero di pa rin natatapos ang giyera sa Ukraine. Diretso pa rin ang 6.3% inflation rate sa ...

I. Rosario: Paulit-ulit na Dasal

Walang prayer sa pasimula ng sinusulat kong ito pero pwede kayong mag-Rosaryo na lang. Bakit paulit-ulit? Bakit nga ba paulit-ulit ang mga humihingi sa iyo ng tulong? Kasi nga nangangailangan pa rin sila ng tulong. Kung nakapag-aral lamang sana sila. Kung di sana sila naaksidente. Meron pa sana silang negosyo kaso naubos sa pagkakasakit lahat ng ari-arian nila, namatay sa huli ang katuwang sa buhay, at naiwan lahat sa kanya ang mga maliliit pa nilang mga anak. Naghihirap din ang kanilang mga kamag-anak. A, oo, wala tayo sa paraiso, marurupok tayong mga nilalang. Ang tawag ay fallen nature. Kaya tayo paulit-ulit na nagdarasal. Ulitin mo nga ng sampung beses ang "Diyos ko, tulungan mo po ako!" Naramdaman mo ba na paigting ng paigting habang inuulit-ulit mo? Parang lalung bumibigat ang damdamin o nagkakaroon ng personal na epekto ito sa iyo. Samantalang ang sabi ko lang e ulitin mo ng sampung beses. Ewan. Misteryoso pa rin ang Rosaryo. Pwede namang mag-spontaneous prayer na lang...

Intro: Phenomenology of My Choice

Saan ako magsisimula? Anong gagamitin ko sa pagsusulat, English o Tagalog? Bathala na! Pagpili ng ano ba ang tatalakayin ko? Oo, gusto kong simulan ang discovery ng phenomenology, kung meron nga ba itong maitutulong sa kawalan ko ng desisyon sa buhay. Meron naman siguro akong desisyon sa buhay, maaaring mga palpak lang siguro, ewan ko, di ko alam. Makasalanan ako, tapos na po. Yan po sigurado ang lalabas sa tawas. Pero maliliwanagan pa ba ng pheno ang madilim kong buhay? Maaaring hindi na, kasi alam ko na rin naman ang kahahantungan. E ano pa ang saysay nitong sinisimulan ko? Sige, limitahan natin sa pagpili ng trabaho o sa career development. As in me career ba ako in the first place? Sinubukan ko nang isa-isahin ang mga na-achieve ko, pero wala rin. Kung ano ang mga palpak ko, pero lalu lamang akong nadidiin sa kawalan ng pag-asa. Eto na nga, pinili ko na nga na magsulat. Na naman! Sang-ayon kay late Pope John Paul II, mainam ang pheno upang mas maliwanagan ng ating personal na karan...